Lunes, Abril 16, 2012
Linggo, Marso 4, 2012
Cancer fuck!!!you kill my mom!!
It was started 2009 ...na may nakapa ng bukol sa Left Breast si mama ko..but she ignored it..pero habang tumatagal lumalaki at sumasakit ,....then early 2010 ,,,nag pa check up si mama..sabi ng doctor kailangan ma Biopsy....but due to financial status...di muna nmin na pinagalaw.....It was june 2010 we decide na pa check up ulit kasi masakit daw...so we did consult doctor..then procedure was made..biopsy was done and natangal yung bukol sa left side ...nang makita ng doctor "Tsk"......it was 100% cancer,,sa itsura palang ng bukol ...cancer na sbi ng doctor ...so it was diagnosed Breast cancer!!!...parang binagsakan ako ng mundo ....naiyak nalang ako pero hndi ko pinakita sa mom ko.....pero habang na sa bus ako papasok sa opis...Tumutulo ang luha ko ,,,natatakot na mawala si mama......Then we family decide na mastectomy ...yung tatangalin buong breast para mawala ang fucker na cancer cell na yan...akala ko ok na ang lahat pero hindi pala....nag start na pumayat si mama nag start na rin ng Radiation theraphy...chemo theraphy,,,last is Bone theraphy ...dumating sa point na sa left brain na may nakita sa MRI na cancer din..."Hay..." hirap ng ganito ...
Sabado, Pebrero 25, 2012
Mga Tiyanak Sa Balon
Mga Tiyanak Sa Balon
June 25th, 2010
Ang kuwento ng kababalaghang ito ay isinalaysay sa akin ng isang kaibigan na siyang personal na nakakakilala kay Rhodora, ang bida sa kuwentong ito…
NAMASUKAN ako bilang katulong kay Doktora Precy, isang matandang doktora na naninirahan sa isang barangay na sakop ng San Rafael. Bagaman luma na, malaki ang bahay para sa tatatlong tao na naninirahan doon. Stay in ako sa kanilang bahay at ako ang nakatokang magluto ng pagkain, maglaba ng damit, at maglinis ng bahay. Ang isang kasama namin sa bahay ay si Hilda, ang pamangking matandang dalaga ni Doktora Precy.
Noong una, ang alam ko ay retirado na sa pagpa-practice ng kanyang propesyon si Doktora Precy bilang isang obstetrician-gynecologist dahil seventy-five years old na siya. Hindi pa pala. May mga pasyente akong nakikita na naghahanap sa kanya na ini-entertain namin sa isang silid na nakikita kong palaging nakakandado. Nagsisilbing assistant niya rito si Hilda.
Isang araw, nagpaalam si Hilda kay Doktora Precy na uuwi muna siya sa Bacolod at dadalaw sa mga kaanak niya roon. Pinayagan naman siya ni Doktora subalit pagkalipas ng dalawang linggo ay hindi pa siya nagbabalik. Kaya ako ang pansamantalang inatasan ni Doktora na tumanggap ng mga pasyenteng nagpupunta sa kanya. Dahil doon, nagawa kong marinig ang mga pinag-uusapan ng mga ito, tulad ng lalaki at babaeng naging bisita niya isang umaga.
Isang araw, nagpaalam si Hilda kay Doktora Precy na uuwi muna siya sa Bacolod at dadalaw sa mga kaanak niya roon. Pinayagan naman siya ni Doktora subalit pagkalipas ng dalawang linggo ay hindi pa siya nagbabalik. Kaya ako ang pansamantalang inatasan ni Doktora na tumanggap ng mga pasyenteng nagpupunta sa kanya. Dahil doon, nagawa kong marinig ang mga pinag-uusapan ng mga ito, tulad ng lalaki at babaeng naging bisita niya isang umaga.
“Itutuloy pa ba natin ang balak mo? Natatakot ako, Dennis,” dinig kong sabi ng babae sa kasama niyang lalaki.
“Hindi pa ako handa. Patitigilin ako sa pag-aaral ng mga parents ko kapag nalaman nila ang tungkol diyan.”
May kasamang dalagita ang dalawa. Madalas ko siyang nakikita na nagpupunta roon na may kasamang mga pasyente na sa wari ko ay siya ring guide at nagtururo sa bahay ni Doktora. Nang lumabas si Doktora ay pinaalis na ako. Agad naman akong tumalima para magtungo kunwari sa kusina pero ang totoo, nagkubli lang ako sa gilid ng pinto at nakinig sa kanilang pag-uusap.
“Magkano ho ba?” dinig kong tanong ng lalaki kay Doktora.
“Kung tatlong buwan na, bale nuwebe mil.”
“Ang mahal ho pala.”
“Tatlong libo kasi ang singil ko kada buwan ng ipinagbubuntis ng babae. Nagbibigay pa ako ng porsiyento sa ahente.”
Nasilip ko na nagbayad ang lalaki kay Doktora bago pinapasok ang dalawa sa silid. Pagkalipas ng mahaba-haba ring oras, lumabas ang babae na kasama ang lalaki. Kasunod ng mga ito si Doktora. Parang wala namang nangyari sa babae.
Noong naroon pa si Hilda, siya ang nakikita kong naglilinis at nagbibitbit ng mga basura na gating sa loob ng silid na pinapasok ng mga pasyente. Itinatapon niya iyon sa isang lumang balon sa likod ng bahay. Kapag nagagawi ako roon, ni hindi ko malapitan ang balon dahil pinaninindigan ako ng balahibo kahit hindi naman ako nag-iisip ng maaari kong katakutan sa lugar na iyon. Kakatwa at iba ang pakiramdam ko sa paligid niyon na may mga nakatanim na malalaking puno. Pakiramdam ko ay hindi ako nag-iisa kapag gumagawi ako roon. Tila may mga matang nagmamasid sa akin at pinanonood ako. Maski nga galaw ng mga dahon sa sanga ng mga puno ay nakakatakot dahil gumagawa iyon ng pag-ingit kapag nahihipan ng hangin. Nakakarinig din ako ng parang sutsot sa akin kapag ako ay paalis na gayong wala namang tao sa paligid.
Nang gabing iyon, bigla akong nagising sa aking naulinigang ingay na tila tinatangay ng hangin mula sa bintana. Mga matitinis at maliliit na tinig ang mga iyon na naghahagikgikan. Parang mga bata iyon na naglalaro at nagkakatuwaan.
Bumangon ako at dumungaw sa labas ng bintana. Pinakinggan kong mabuti kung saan nagmumula ang mga tinig. Inisip kong baka may mga batang nakapasok sa aming bakuran at naglalaro. Pero ako na rin ang kumontra sa aking naisip dahil imposibleng mangyari iyon. Sinong bata ang maglalaro sa ganoong oras ng hatinggabi? Baka naman may nagaganap na children’s party sa isang kapitbahay namin sa di-kalayuan. Pero imposible ring mangyari iyon. Hindi ordinaryo na nagkakaroon ng children’s party sa hatinggabi.
Kalahating oras ko ring narinig ang mga hagikgikang iyon bago unti-unting naglaho iyon sa aking pandinig. Nakatulog naman na ako pagkatapos niyon. Kinabukasan, tinanong ko si Doktora Precy tungkol sa aking narinig nang nagdaang gabi.
“Wala akong naulinigan,” sabi niya. “Sa katunayan, masarap nga ang tulog ko kagabi.”
Kinalimutan ko na ang mga tinig na iyon na narinig ko. Pero pagkalipas ng ilang araw ay narinig ko na naman iyon. Ngayon ay mas malakas at malinaw sa aking pandinig, tila nasa loob lamang ng bahay.
Lumabas ako ng servants’ quarter at sumilip ako sa sala. Wala akong nakitang anuman doon. Hinanap ko kung saan iyon nagmumula. Dinala ako ng mga paa ko sa nakasarang silid na pinakatanggapan ng pasyente ni Doktora. Idinikit ko ang aking tainga sa pinto. Hindi ako nagkakamali, sa loob galing ang matitinis na hagikgikang naririnig ko.
Biglang lumukob ang kilabot sa aking buong katawan. Napatakbo ako pabalik sa loob ng aking silid at nagkulong doon. Nagtalukbong din ako ng kumot sa labis na pagkatakot ko.
Mayamaya, nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Doktora Precy. “Huwag! Layuan ninyo ako!” sigaw niya. Kasabay niyon ay naulinigan ko ang mga yabag ng paa sa labas.
Biglang nawala ang takot ko. Binuksan ko ang pinto ng aking silid para alamin kung ano ang nangyayari sa amo ko. Nakita ko siyang papalabas ng pinto ng bahay.
“Doktora!” tawag ko pero tila hindi niya iyon narinig.
Sinundan ko siya sa labas. Nakita kong sa gawing likod ng bahay siya papunta. Parang wala sa sariling naglalakad siya. Nakapaa lang siya at parang bulag na kakapa-kapa sa madilim na kapaligiran. Muli kong tinawag si Doktora pero hindi niya ako pinapansin. Mistulang bingi siya.
Bumalik ako sa bahay para kumuha ng flashlight. Dinampot ko rin ang tsinelas ni Doktora para ibigay iyon sa kanya. Sumagi sa aking isip na baka may ugali na naglalakad sa kanyang pagtulog si Doktora. May mga taong ganoon kapag nananaginip.
Tumatakbo ako papunta sa kanya nang masulyapan ko siyang palapit sa lumang balon. Pero bago ako nakalapit sa amo ko, may natisod ako sa damuhan na ikinadapa ko. Inapuhap ko ang flashlight na nabitiwan ko pero sa pagkapa ko, isang maliit at matigas na bagay ang nakapa ko. Pabilog ang hugis niyon. Nang matanglawan ko iyon ng liwanag ng flashlight, nanghilakbot ako.
Bungo ng isang sanggol ang nakita ko!
Nagmamadaling bumangon ako. Naaninaw kong nasa tabi na ng bunganga ng balon si Doktora. Nakarinig na rin ako ng matitinis na hagikgikan ng mga bata. Nang itanglaw ko ang aking flashlight sa balon, napaatras ako dahil sa matinding takot. May mga tiyanak na nag-ahunan mula sa ilalim ng balon. Hindi lang isa, kundi marami sila. Patalun-talon, palukso-lukso ang mga ito. Nakita ko rin nang lundagin si Doktora Precy ng mga ito. May umukyabit sa kanyang leeg, sa kamay sa balikat at sa ulo.
Napasigaw ako nang malakas dahil sa pagkasindak pero walang lumabas na tinig sa aking bibig. Tumakbo ako palayo.
Hindi ko na alam kung ano ang nangyari kay Doktora Precy, pero nang makalabas ako ng bakuran ay may nakasalubong akong tatlong barangay tanod na nagpapatrolya sa di-kalayuan. Nakita rin nila ako kaya inusisa nila ako.
Sa paputol-putol na pagsasalita ay ikinuwento ko sa kanila ang aking nakita sa likod ng bahay ni Doktora Precy. Nagkatinginan ang tatlong tanod. Pero dahil nakita nilang nanginginig pa ako sa takot, sinamahan nila ako pabalik sa bahay.
Inabutan namin na nakahandusay sa tabi ng balon si Doktora Precy, pero wala na ang mga tiyanak na ikinuwento ko sa kanila na nakita kong sumalakay sa doktora.
Dinala namin sa ospital ang doktora pero dead on arrival na siya. Ayon sa mga sumuring doktor sa kanya, atake sa puso ang sanhi ng pagkamatay ng amo ko .Ang ibinigay kong statement sa pulisya ang naging sanhi para magsagawa sila ng imbestigasyon sa balon. Kakaiba kasi ang masangsang na amoy na nagmumula roon.
Sa ilalim ng balon natuklasan at nakuha ang napakaraming buto ng fetus. Iyon din ang matibay na ebidensiyang gumagawa ng labag sa batas si Doktora Precy ang abortion. Pero patay na si Doktora Precy. Marahil, ang mga biktima nitong fetus ang nakita kong mga tiyanak na sumalakay sa kanya. Sa kanila rin marahil nagmumula ang tinig na nauulinigan ko noong naunang gabi.
Sa ngayon, naaalala ko pa rin ang naganap na pangyayaring iyon sa akin. Nalaman ko rin na nagmistulang haunted house na ang bahay ni Doktora Precy mula nang mawalan na ng nakatira doon. May mga residente ring napaparaan doon sa gabi na nagsasabing nakakarinig sila ng maliliit na tinig na naglalaro sa loob ng bakuran kaya kinatatakutan na nilang dumaan sa bahay.
Ang Wakas
Paulit-ulit na kamatayan
Paulit-ulit na kamatayan
July 31st, 2010
Sumulyap ito sa kanya bago ito nagbaril sa sarili. Nawala agad ang aparisyon nito ngunit hindi ang dugong nakita niyang pumuslit mula sa ulo nito.
SINO ang mag-aakala na pagbukas ni Leandro sa pinto ng kuwarto ng kanyang ama ay makikita niya ito na nakadiin sa kanang sentido nito ang hawak nitong baril?
Sinakmal siya ng matinding pagkabigla. Ilang mahahalagang segundo ang lumipas na nakamata lang siya sa kanyang ama na nakapikit nang mga sandaling iyon, bumubuka-buka nang marahan ang bibig nito na tila nagsasalita bagaman wala naman siyang naririnig na salitang inuusal nito.
Hanggang sa isang putok ang nagpakislot sa kanya. Sinundan niya ng tingin ang dugong malakas na pumulandit mula sa ulo nito at ang pagbagsak ng katawan nito sa sahig kasama ang silyang kinauupuan nito.
Saka lang siya nakahiyaw. Pero huli na, hindi na maisasalba ang buhay nito.
Saka lang siya nakahiyaw. Pero huli na, hindi na maisasalba ang buhay nito.
Ang pagkakaroon ng malubhang sakit ang nag-udyok sa kanyang ama upang kitlin nito ang buhay.
Nagkaroon ito ng sakit sa atay. Ang hindi maawat na pag-inom nito ng alak ang sanhi ng karamdaman nitong iyon.
Ayon sa mga doktor, malubha ang sakit nito pero may pag-asa pa naman daw na gumaling. May pantustos naman ang pamilya nila sa mahabang gamutan. Dangan nga lamang, habang ginagamot ang kanyang ama ay araw-araw itong dumaranas ng walang katulad na kirot.
May paniniwala rin ito na hindi na ito gagaling. Kaya siguro minabuti na lang nitong mamatay.
PANGALAWANG gabi ng burol ng ama ni Leandro nang susian niya ang nakakandadong kuwarto nito dahil may kukunin siya roon. Pagbukas niya ng pinto ay nagitla siya nang may makitang tao sa loob ng kuwarto. Nakaupo ito sa isang silya habang nakaharap sa dingding. Pilit niyang inaaninag ang mukha nito dahil may kadiliman sa loob ng kuwarto nang unti-unti ay sumulyap ito sa kanya. Ito ay walang iba kundi ang kanyang ama! May nakatutok uling baril sa ulo nito. Kasunod niyon ay isang malakas na putok ang kanyang narinig. Ang sumunod na nakita niya ay ang pagtumba nito. Sa muling pagdilat niya ay wala na ang aparisyon nito.
Hindi na siya nagkalakas ng loob na manatili pa sa kuwarto nito. Agad niyang isinara ang pinto at mabilis na lumabas ng bahay. Dahil may sakit sa puso ang kanyang ina, sa mga kapatid na lang niya ikinuwento ang nakita niya.
Hindi iyon ang una at huling pagpapakita sa kanya ng kanyang ama. Dalawang gabi bago ang libing nito ay muli niyang nakita ang tagpong iyon hindi sa loob ng kuwarto nito dahil iniiwasan na muna niyang pumasok sa kuwarto nito kundi sa kalye, sa harap ng puneraryang kinabuburulan nito. Paglabas niya ng punerarya ay nakita niya ang kanyang ama, nakaupo sa silyang nakaposisyon sa gitna ng kalsada, nakatagilid ito sa kanya. Tulad ng naunang aparisyon nito, sumulyap muna ito sa kanya bago ito nagbaril sa sarili.
Ilang gabi pagkaraang mailibing ito ay nagpakita uli ito sa kanya sa kaparehong tagpo. Sa kuwarto naman ng kanyang ina niya nakita ito, nakaupo uli ito sa silya, nakatagilid sa kanya. Taliwas sa aktuwal na nangyari, sumulyap ito sa kanya bago nagbaril. May malungkot na ngiting nakaguhit sa mga labi nito nang sulyapan siya.
Bakit sa kanya lang ito nagpapakita? Bakit paulit-ulit na ipinapakita nito sa kanya ang naging kamatayan nito?
Walang katulad na pagdurusa ang nararamdaman niya tuwing maaalala niya ang malupit na tagpong iyon. Sa paglipas ng mga araw ay nagkahinala siya kung bakit. Sinusumbatan siya ng kanyang ama.
May tsansa sana na naisalba niya ang buhay nito kung naging mabilis lang ang pagkilos niya nang gabing iyon. Pero naging mabagal siya. Ilang sandali pa ang pinalipas niya na nakatulala lang siya sa kanyang ama habang nakaumang dito ang baril nito.
Ikinuwento niya iyon sa kanyang mga kapatid.
“Mali ang iniisip mo na sinusumbatan ka ni Dad sa pagkamatay niya,” wika ng panganay nila. “Walang may kagustuhan ng nangyari kundi siya. Kung mayroon mang dapat na manumbat, tayo yon dahil hindi niya ikinonsidera ang posibleng mararamdaman natin sa mangyayari.”
Sa halip na panunumbat, may mensahe raw na gustong iparating sa kanilang magkakapatid ang paulit-ulit na pagmumulto nito sa kanya, mensaheng nakaligtaan nitong banggitin bago ito nagpakamatay. Kung ano ang mensahe na iyon ay hindi pa nila mahulaan.
Nagsisisi na ba ito dahil sa ginawa nito? Maaari.
Tumanggi sila nang magmungkahi ang isang psychic na i-exorcise ang kuwarto ng kanilang ama. Para matigil na raw ang pagmumulto nito.
“Hindi evil spirit ang dad ko para itaboy naming,” naiinis na sabi ng bunso nila.
Natatakot sila sa patuloy na pagpapakita ng kanyang ama pero iniisip nila na baka may gusto lang itong ipabatid sa kanila.
Hanggang isang gabi ay muli niyang nakita ang paraan ng pagkamatay nito. Nabungaran niya itong nakaupo sa silya pagpasok niya sa kuwarto niya, nakaharap sa dingding. Sumulyap ito sa kanya bago ito nagbaril sa sarili. Nawala agad ang aparisyon nito ngunit hindi ang dugong nakita niyang pumuslit mula sa ulo nito.
Bumagsak sa sahig ang dugo at bumuo ng pangalan bago iyon naglaho sa paningin niya. Ang pangalan na nakasulat ay Alison.
May kilala siyang Alison. Anak sa labas ng kanyang ama. Fifteen years ago, their father had an affair with another woman. May naging bunga ang bawal na relasyong iyon, si Alison. Labing-apat na taong gulang na ito ngayon. Matanda lang dito nang dalawang taon ang bunso nila.
Napatawad na nila ang kanilang ama ngunit ang ina ni Alison ay hindi pa ito napapatawad. Ang akala noon ng ina ni Alison ay binata ang kanilang ama. Nang matuklasan nitong may asawa’t anak ang kanilang ama ay iniwasan na nito ito. Hindi niya nakita si Alison pati na ang ina nito noong panahon na nakaburol ang kanilang ama. Hindi pa rin kinakausap ng ina ni Alison ang kanyang ama pero si Alison, ang alam nila ay pinapayagan ito ng ina nitong makasama ang kanilang ama paminsan-minsan.
Hindi lang isang beses na nakasama ng kanilang pamilya si Alison sa pamamasyal. Nakausap noon ng isa sa mga kapatid niya ang ina ni Alison at nangakong pupunta ito sa burol. Pero hindi ito dumating. Hindi mahirap mahalatang may matinding galit pa rin ito sa kanilang ama.
Patay na ang kanilang ama, kung anuman ang naging kasalanan nito sa ina ni Alison, dapat ay napatawad na nito.
Pero ano ang ibig iparating ng kanilang ama sa kanila? Na nagtatampo ito na hindi sinilip ni Alison ang burol pati na ang libing nito? Na nagtatampo ito dahil hanggang ngayon ay hindi nadadalaw ni Alison ang puntod nito?
Ayaw na sana nilang puntahan pa si Alison dahil nangangamba silang hindi maging maganda ang maging pakikiharap sa kanila ng ina nito kaya lang ay baka raw maging isang malaking pagkakamali kung hindi nila makakausap si Alison dahil baka raw mas malalim kaysa sa iniisip nila ang mensaheng gustong ipahatid sa kanila ng kanilang ama.
Kasama ang dalawang kapatid, pinuntahan niya si Alison ngunit ang ina lang nito ang humarap sa kanila. Ikinuwento niya rito ang mga aparisyon ng kanilang ama sa kanya partikular na ang huli kung saan nabuo mula sa pumatak na dugo ng kanyang ama ang pangalan ni Alison.Bahagyang natigatig ang seryosong reaksiyon ng ina ni Alison.
“W-wala kaming idea, Ma’am, kung ano ang gustong iparating ni Daddy sa mga pagpaparamdam niya sa amin, lalo na sa pagiging involved ni Alison,” wika niya rito. Pinipilit niyang maging magalang ang timbre ng pagsasalita kahit naiilang siya sa tila hindi pagpapakita nito ng reaksiyon sa mga narinig. “Nagpunta kami rito dahil baka si Alison ay may alam. Ang hula kasi namin, baka nagtatampo si Dad dahil hindi nagpunta si Alison… kayo sa burol niya. O baka may naging tampuhan sina Daddy at Alison at gustong maayos iyon ni Daddy ngayong patay na siya.”
Lalo pang tumiim ang emosyong nakabadha sa mukha nito. “Hindi pala nagtapat sa inyo ang ama n’yo,” sabi nito.
“Ano ho ang dapat niyang ipagtapat sa amin?” tanong niya rito.
What she told them shocked them. Dalawang taon na raw ang nakararaan nang molestiyahin ng kanilang ama si Alison. Lasing daw noon ang kanilang ama at gustong makausap ang ina ni Alison pero tumanggi ang huli. Sa halip ay si Alison na lang ang pinaharap at pinasama rito. Habang kasama si Alison, tila bigla raw nilukob ng demonyo ang pag-iisip ng kanilang ama at pinaghahalikan at pinaghahawakan nito ang maseselang bahagi ng katawan ni Alison. Kung wala pang nakapansin sa nangyayari sa mag-ama at sumita sa mga ito na noon ay nasa loob ng sasakyan ng kanilang ama baka raw tuluyang nalapastangan ng kanilang ama ang kapatid nila sa labas.
Alison’s mother swore that the story was true. Agad daw na humingi ng tawad ang kanilang ama kay Alison ngunit hanggang ngayon daw ay hindi pa ito napapatawad ni Alison.
“Marinig lang niya ang boses ni Vincent, nanginginig na siya sa takot at galit,” paglalahad ng ina ni Alison.
Maaari daw na ang naging kasalanan ng kanilang ama kay Alison ang nag-udyok dito upang magpatiwakal. At ang katotohanang hindi pa ito napapatawad ni Alison hanggang ngayon ang patuloy na lumiligalig sa kaluluwa nito.
Disente, may takot sa Diyos at alam nilang mahal ng ama nila si Alison bilang anak nito pero bakit nagawa nito iyon? Udyok ba iyon ng pangungulila nito sa ina ni Alison o udyok iyon ng galit nito sa ina ni Alison? Tinangka bang pasakitan ng kanyang ama ang ina ni Alison sa pamamagitan ni Alison?
Sinikap nilang magkakapatid na humingi ng tawad kay Alison para sa kanilang ama nang mga sumunod na araw ngunit bigo sila. Madalas na iniiwasan na rin silang kausapin nito dahil alam na marahil nitong ang paghingi nila ng kapatawaran para sa kanilang ama ang pakay nila.
Hindi na madalas ngunit patuloy pa rin niyang nakikita ang paulit-ulit na pagpapatiwakal ng kanyang ama. Tuwing mangyayari iyon ay lalong sumisidhi ang pagnanais nilang magkakapatid na makamit na nito ang pagpapatawad ni Alison. Pero hindi sila magsasawang tawagan at puntahan si Alison. Hanggang isang gabi, pumasok siya sa kuwarto ng kanyang ama upang may hanapin doon nang makita niya itong nakaupo sa gilid ng kama nito, may masayang ngiti sa mga labi habang pinagmamasdan ang isang larawan ni Alison at ng ina nito na nakapatong sa silyang kaharap nito.
Unti-unting naglaho ang multo ng kanyang ama habang nakangiting nakasulyap sa kanya.
Napaiyak siya. Nang gabi ring iyon, nakatanggap siya ng text message galing kay Alison na nagsasabing napatawad na nito ang kanilang ama. Ipagdadasal daw nito ang katahimikan ng kaluluwa ng kanilang ama.
Napaiyak siya. Nang gabi ring iyon, nakatanggap siya ng text message galing kay Alison na nagsasabing napatawad na nito ang kanilang ama. Ipagdadasal daw nito ang katahimikan ng kaluluwa ng kanilang ama.
Wakas.
putol na kamay
Putol na Kamay
November 20th, 2010
Hinila ni Major Manliclic ang kamay subalit hindi man lang ito gumalaw, pagkakapa ni Major sa siko ng kamay, bigla siyang nahindik at kinilabutan…
“Congratulations, Major, for a job well done. You made the army proud.”
“Thank you, sir. It’s my honor to serve. “Si Major Manliclic, na siyang ginawaran ng medalya ngayong araw, ay isang matapang na sundalo.
Maraming labanan ang kanyang naranasan laban rebeldeng NPA at maraming bomba at mga bala ang muntik nang kumitil sa kanyang buhay sa kampanya-militar sa mga Abu Sayyaf at MILF sa Mindanao. Kaya naman siya ay nasabitan ng Medalya ng Kagitingan at Medalya ng Katapangan ng Chief of Staff ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas.
Sa mga talumpati niya sa mga pagtitipon at pasiyana na siya ang panauhing pandangal, ipinagtatapat niya na tulad ng ibang mga sundalo sa larangan, siya ay nakakausal din ng dagliang dasal sa harap ng matinding labanan. Sa mga oras ng kagipitan, sinasagihan din siya ng takot.
Pero iba ang takot na kanyang nararamdaman ngayon. Hindi niya kasi nakikita ang kaaway at wala na siya sa digmaan laban sa nga rebelde.
Nasa isang night club sa bayan ang magkaibigang opisyal ng Philippine Army na sina Major Manliclic at Sergeant Punzalan sa kanilang dalawang araw na furlough mula sa kampo. Bisita sila ni Fiscal Israel at sila ay inimbitahang maghapi-hapi sa gabing ito.
Nasa isang night club sa bayan ang magkaibigang opisyal ng Philippine Army na sina Major Manliclic at Sergeant Punzalan sa kanilang dalawang araw na furlough mula sa kampo. Bisita sila ni Fiscal Israel at sila ay inimbitahang maghapi-hapi sa gabing ito.
“Para naman hindi kayo nababagot dito sa amin,” ani Fiscal. “Mag-gudtaym naman tayo. Tutal, wala na namang gulo dito sa Tarlac.”
“Ang ibig ninyong sabihin lumipat na ang gulo sa ibang lugar,” sabi ni Sgt. Punzalan sabay tawa. “Di tulad noong nakaraang mga taon na talagang dito ang bakbakan, tahimik na ngayon ang Central Luzon dahil hindi na ganoon ka-aktibo ang mga rebeldeng NPA. Marami nang bumaba mula sa mga kabundukan at namuhay nang payapa kapiling ng kanilang mga pamilya.”
“Malaking pasalamat namin, Fiscal,” dagdag ni Maj. Manliclic.
“At natapos na rin ang sigalot dito sa probinsiya ninyo. Kaya pati kami ay kampante na rin.”
“Kaya nga nag-e-enjoy tayo ngayong gabi,” masayang pakli ni Fiscal Israel. “Pasasalamat na rin ito sa inyong masigasig na pangangalaga at pagbabantay sa mga taga-rito sa amin. Pati nga ako ay malaki ang ginhawa sa katawan dahil kakaunti ang mga kaso tungkol sa patayan.”
Maghahating-gabi na nang magpasiyang umuwi ang tatlo. Umakyat sa pangalawang palapag at tinungo ng dalawang sundalo ang kani-kanilang kuwartong inilaan ni Fiscal Israel para pahingahan ngayong gabi.
Maluluwag ang mga kuwarto ng magandang bahay. Malaki ang kama at makapal at malambot ang kutson. Dahil sa matagal na karanasang pakikibaka sa bundok, sanay matulog si Maj. Manliclic na nakasandal lang sa puno o nakadukmo na hawak ang baril. Matagal na panahon nang hindi siya nakahiga sa ganitong klaseng kutson. Hindi rin sanay matulog na may ilaw kaya pati lampshade sa side table ay kanyang pinatay. Dahil sa ginhawang dulot ng kutson sa pagod niyang katawan at konting nainom, madali siyang dinalaw ng antok at kagyat na nakatulog.
Makalipas ang mag-iisang oras, nakaramdam siya ng yugyog sa balikat. Sa una, hindi” niya ito pinansin. Naulit ang yugyog. Buong akala ni Major ay ginigising siya ng katulong. Dumilat siya pero pusikit ang dilim sa kuwarto.
“May problema ba?” tanong niya
Walang sumagot sa kanya. Subalit naramdaman niya ang isa pang yugyog sa kanyang balikat.
“Ano ka ba?” iritadong tanong ng Major. “Magsalita ka nga’t sabihin mo’ng sadya mo at masakit ang ulo ko.”
Subalit wala pa ring sumagot. Nahinuha ni Major Manliclic na muli siyang yuyugyugin kaya inabatan niya ang pagdating ng kamay sa kanyang balikat. Bigla siyang dumukwang sa eksaktong sandaling sa tingin niya’y parating ang yugyog. Nahagilap niya ang isang kamay na malambot, mainit at balingkinitan. Kamay ng isang babae!
“Sino ka?” galit na tanong ni Maj. Manliclic. Wala pa ring sagot.
Hinila ni Major Manliclic ang kamay subalit hindi man lang ito gumalaw o natinag man lang. Parang napakalakas ng may-ari nito. Ngayon ay talagang galit na ang opisyal. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay at kinapa ang braso papuntang balikat at ulo. Mukhang nakadamit pantulog na ito dahil malambot ang tela sa manggas.
Pagkakapa ni Major sa siko ng kamay, bigla siyang nahindik at kinilabutan. Putol ang kamay! Hanggang siko lang ang kamay. Pati na ang damit. Nagugulumihanan niyang biglang binitiwan ang putol na kamay. Nang masanay ang mata niya sa dilim ay naaninag na ni Major Manliclic ang paligid. Mag-isa lamang siya sa kuwarto. Walang ibang tao! Wala rin ang putol na kamay.
Sinindihan ni Major ang ilaw. Hindi na siya nakatulog at nakahinga lang ng mapayapa nang mag-umaga na.
Kinabukasan habang nag-aalmusal, isinalaysay ni Major ang kanyang hindi pangkaraniwang karanasan sa kanyang dalawang kasama. Bagaman hindi makapaniwala si Sarhento, tahimik at kampanteng pinakinggan naman ni Fiscal ang kuwento. Malumanay itong humigop ng kape.
“Si Tita Bettina iyon,” pagkuwa’y sabi ni Fiscal Israel. “Tumira siya rito at ang kuwarto niya ay ang kuwarto mong tinulugan kagabi.” “Pero bakit putol ang kanyang kamay?”
“Ginawang garison ng mga Hapon ang bahay na ito. Matindi iyong tinutulan ni Tita Bettina. Sa galit ng heneral na hapon ay inundayan siya ng sable. Tinangkang salagin ni Tita Bettina ang taga sa kanyang kamay na ikinaputol nito. Tumama rin sa kanyang leeg ang sable na siya niyang ikinamatay.”
“Matatag at matapang pala ang mga babae sa lahi ninyo.”
“Sinabi mo. Hindi nagtagal dito ang mga Hapon. Ginulo sila ni Tita Bettina. Minsan, sinampal ng putol niyang kamay ang heneral. Sa takot nito, nag-alsa balutan sila kinabukasan.”
“Pero ano ang kinalaman ko at ginising niya ako kagabi?”
“Nakauniporme ka kasi at singkit ang mga mata mo. Baka akala niya, isa kang kawal na Hapones. Baka nagtataka siya kung bakit may sundalo sa kuwarto niya. Huwag kang mag-alala, mabait si Tita Bettina. Ngayong alam na niyang hindi ka kalaban hindi na uli dadalaw iyon sa iyo.” At nagtawanan si Sgt. Punzalan at si Fiscal Israel.
“Talagang ayaw ko nang makaenkwentro pa ang putol na kamay,” seryosong sabi ni Maj. Manliclic.
Wakas
tawag
Tawag
March 6th, 2010
Kung magiging observant lang si Michelle, marahil ay makikita niya ang labis na sakit na umaalipin noon sa bestfriend niyang si Jerry. Ang dahilan ay ang pinasabog ni Michelle na ayon dito’y good news.
Ngunit ang good news nagmistulang balaraw na tumarak sa dibdib ni Jerry. Katotohanan iyong pinakalilihim-lihim ng binata.
Sina Michelle at Jerry ay best of friends since grade school. Sa iisang school sila nag-aral Simula prep at maging sa kolehiyo ay sadyang sumunod si Jerry sa university na pinili ni Michelle.
May lihim na pagmamahal si Jerry sa kaibigang matalik. Sa kasamaang-palad, hindi mutual ang damdamin nila. Sa katunayan ay ibinalita ni Michelle sa kaibigan na sinagot na nito ang two year old suitor na si Maui. Mag-boyfriend na ang dalawa.
“I’m happy for you, bestfriend.”
“Thanks, Bro. Alam ko naman ‘yon. But it doesn’t mean na magbabago na ang lahat sa atin. Tayo pa rin ang best of friends, right?”
“Of course. Oo naman siyempre. Wala na akong makikitang bestfriend na tulad mo.”
“Of course. Oo naman siyempre. Wala na akong makikitang bestfriend na tulad mo.”
“Wow naman! Touched naman ako d’yan. Love you.”
Naglalambing na niyakap-yakap pa ni Michelle ang kaibigan. Wala itong kaalam-alam sa tunay na saloobin ni Jerry nang mga sandaling iyon.
Iyon ang Simula ng biglang pagbabago ng mood ni Jerry. Naging malulungkutin ito. Na walang magbabago sa pagkakaibigan nila ni Michelle ay hindi ganoon ang nangyari.
Magmula nang maging official boyfriend ni Michelle si Maui ay bihira nang magkasama sa mga lakaran ang magkaibigan. Kung dati ay sinusundo ni Jerry si Michelle after office, ngayo’y ang boyfriend na nito ang gumagawa niyon.
Mula sa trabaho, walang ganang umuuwi na lang ng bahay si Jerry. Manonood o makikinig ng sounds sa loob ng sariling silid. Hanggang mag-umaga ay halos hindi ito dalawin ng antok.
Sa tuwina’y naghihintay lang ng text message o tawag si Jerry mula sa kaibigan. Iniwasan na nito ang maunang gumawa niyon. Nangangamba kasi siyang baka masamain iyon ng boyfriend ni Michelle.
Isang hapon ay kusang tinext ni Jerry si Michelle. Agad nag-reply ang dalaga.
Sunduin u me mya after oils tok us
Saglit nagdalawang-isip si Jerry kung papayag sa gusto ni Michelle. Sahuli’y nanaig din ang pananabik nito na makita ang kaibigan na lihim na iniibig.
Mula sa office ni Michelle ay sa paboritong pizza house sila humantong.
“Are you sure hindi magagalit si Maui?”
“Nagpaalam ako sa kanya. Sinabi kong kailangan nating magkita dahil may importante tayong pag-uusapan. Tell me nga… bakit hindi ko alam na may plano ka palang?”
Nagkibit-balikat pa si Jerry.
“Biglaan lang. Maganda ang offer kaya grab ko na. Sayang.” Pilit hinuli ni Michelle ang tingin ng kaibigan.
“Iyon ba talaga ang totoong dahilan?”
“Oo naman. Ano pa kaya?”
Pagkuwa’y umingos dito si Michelle.
“Kainis ka d’yan! Iiwan mo na pala ‘ko.”
Biglang nangilid ang luha ni Michelle at kitang-kita iyon ni Jerry.
“O, bakit ka umiiyak d’yan? Mamaya mo makita tayo ng boyfriend mo.. .isipin no’n kung ano’ng ginawako.”
“Kelan ba’ng alis mo?”
“Wala pa pero…soon.”
“Kainis ka talaga! Huwag na huwag kang aalis na hindi nagpapaalam sa ‘kin d’yan.”
“Oo naman siyempre.”
“At ihahatid ka namin sa…”
“Nope. Walang maghahatid sa ‘kin kahit sino. Ayoko.”
Naghiwalay sila na may pangakong hindi aalis si Jerry nang hindi nagpapaalam ng maayos sa kaibigan.
Nang mga sumunod na araw ay naging busy na si Jerry sa pag-aayos ng mga papeles. At sadya nitong hindi sinasagot ang mga text messages ni Michelle. Hanggang maaari ay gusto ni Jerry na manahimik hanggang sa araw ng kaniyang paglipad patungong ibang bansa.
Hanggang isang gabi. May pagka-desperada at galit na ang text message ni Michelle na nabasa ni Jerry.
Bkt u gnyan? Ndi u nb me tinu2ring n bstfrnd?
Dahil nagmamahal ay naantig naman ang loob ng pusong nagmamahal ni Jerry. Napilitan itong mag-reply sa kaibigan.
Wg u mglit, frnd. Ngpromis me n mgpaalam sau once paalis n me, db?
Marami pang sumunod na text messages si Michelle. Patunay na masama ang loob nito sa biglang panlalamig ng kaibigan. Ngunit hindi na iyon sinagot pa ni Jerry.
Hustong isang buwan magmula nang magsabi si Jerry kay Michelle na mag-aabroad, may natanggap natawag si Michelle sa kanyang cellphone. Nasa opisina noon ang dalaga.
“Hello? Hello…? Jerry.. .hello?”
Choppy kasi ang linya. At maugong masyado.
“Hello, Jerry? Nasaan ka ba? Ang ingay naman hindi kita marinig, e.”
“Ngaun na ang alis ko, friend. Goodbye.”
“What? Hello? Hello.. Jerry.. .hello?”
Ngunit putol na ang linya nito. Nag-busy tone na ang kanyang cellphone. Hindi nag-atubili si Michelle natawagan si Jerry. Ngunit nabigo ito. Naka-off na ang cellphone. Can not be reached na ito.
“Walanghiyang ‘yon! Ngayon na ang alis tapos.. .hindi ko na siya babatiin kahit kailan promise!”
Totoong nagalit si Michelle sa kaibigan. Dahil hindi ganoon ang inaasahan nitong paalamang mangyayari sa kanila.
Naging mainit na ang ulo ni Michelle sa buong maghapon. Para mabigla sa ibinalita ng ina pagdating niya sa kanilang bahay.
“Nagbibiro ba kayo?”
“Ang ibig mong sabihin hindi mo pa alam?”
“Mommy, hindi maganda ang mood ko kaya huwag ninyo akong biruin ng…”
“Bakit kita bibiruin? Patay na ang kaibigan mo.. .patay na si Jerry kaninang umaga. Ang Kuya mo nando’n na ngayon at makikiramay. Hindi nga rin makapaniwala.”
Saglit na hindi nakakilos si Michelle sa kintatayuan.
“Kausap ko lang kanina sa cellphone si Jerry, Mommy.
“Kanina?”
“Baka nagkakamali ka. Kanina siya namatay. Naaksidente daw. Hindi malinaw sa akin ang detalye. Magbihis ka na at kung gusto mo’y sasamahan kitang pumunta roon.”
Bukod kina Michelle at Jerry, close ding totoo ang kanilang mga pamilya. Kaya nabigla ang lahat sa nangyari kay Jerry.
Kung hindi pa nakita mismo ng dalawang mga mata ni Michelle ang katawan ni Jerry sa loob ng kabaong ay hindi pa ito maniniwala.
Patay na nga si Jerry. Ayon sa balita, papunta ito sa embassy nang masagasaan ng isang bus. Dead on the spot si Jerry.
Hindi mapaniwalaan ni Michelle ang naganap. Hindi rin niya maunawaan kung paano pa nakatawag sa kanya si Jerry. Bagay na hindi niya maigiit sabihin kanino man.
Sa tabi ng kabaong ni Jerry ay hindi nagpaawat ang mga luha ni Michelle. Halos managhoy ang dalaga sa nangyari sa bestfriend.
Hindi pa sana uuwi si Michelle kundi pinilit ng ina ni Jerry na magpahinga na muna. Dahil baka kung mapaano ito sa walang tigil na pag-iyak.
Nang nasa sariling silid na si Michelle, saka niya naisip natingnan ang cellphone. Nginig ang mga kamay nitong pinindot ang menu upang tingnan ang received calls.
Sa buong pagtataka ni Michelle, hindi naka-register ang cellphone number ni Jerry sa received call.
Paano nangyari iyon? Talaga namang tinawagan niya ako kanina, a? Number niya ang ginamit niya pero… bakit hindi naka-register dito?Hindi ko ino-off ang cell ko kaya hindi puwedeng mabura ang mga…paano nangyari iyon?
Tiningnan niya ang dialed number. Naka-register ang pangalan ni Jerry. Ibig sabihin ay totoong tinawagan niya ito kanina. Ngunit hindi niya makontak.
Mixed emotions ang naramdaman ni Michelle. Hindi niya alam kung ano ang iisipin. Ngunit hindi niya mapasinungalingan ang tawag na natanggap mula kay Jerry.
Lalong napaiyak si Michelle nang maalala ang huling usapan nila ni Jerry. Nangako itong magpapaalam bago umalis.
Pangakong tinupad naman ni Jerry. Lamang, kung buhay pa ito o patay na nang sandaling gawin ang pangakong pagpapaalam ay walang makapagpapatunay.
Ang Wakas!
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)