Miyerkules, Pebrero 22, 2012

Alulong

Alulong

May 19th, 2009
SABI ng iba, tanging ang mga tao lang umano ang may kaluluwa dahil siguro iniisip nilang tayo lamang ang nilalang na nakapag iisip. Totoo man ito o hindi, isang kakatwang pang yayari ang malimit maganap sa aming lugar dito sa Caloocan kung saan sa tuwing may aalulong na asong nakatakdang katayin, kasunod rin ay taong mamamatay.
“Man’s best friend” wika nga ng ilan o di kaya ay itinuturing na “kapamilya” o di kaya ay “kapuso” na ng iba sa atin ang ating mga aso. Sa iba naman ay inaalagaan lamang ito upang talagang gawing panlaman tiyan.
Talamak sa katakawan sa karne ng aso ang mga manginginom dito sa aming lugar, bagaman napakalayo nito sa Baguio at siguradong hindi naman mga Ifugao ang mga kapitbahay kong buwakaw sa alak e, talagang sarap na sarap sila sa karne ni “bantay”
“May kakatayin na namang aso bukas,” ang naglalaway na tema ng usapan ng mga manginginom saamin nung isang araw. Nakatali na sa tabing daan ang isang kulay puti na aso. “Alaga yan pare, walang rabis he he,” bahagi ng usapan sa umpukan habang lumalaklak ng ginebra bilog.
Hanggang isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa kabilang pasilyo. May nag-aamok sa maliit na iskinita. Wala pang dumarating na pulis at ayon sa ibang usiserong galing sa lugar, isang lalaki ang sinaksak sa tagiliran ng nag-amok na adik.
Dead on the spot “Hindi ko akalaing si Berong ang madadali, hu hu,” ang hikbi ng asawa ng napatay. Ipinagkibit-balikat lamang ng ilan ang mga pangyayaring iyon o talagang wala lamang nakakapansin sa alulong.
Halos gabi-gabi ay may umaalulong na mga aso sa lugar naming iyon, at kinaumagahan ay isang tao ang nagiging kapalit.Tila araw-araw ay may kinakatay rin ditong aso. Talagang walang pangil ang batas patungkol sa Animal Welfare Act dahil binabalewala lang sila ng mga tao dito.
Umalulong na naman kagabi ang isang aso, sabi ng may ari, natural lamang daw na umalulong ito minsan, pero bakit sa tuwing aalulong ang aso lalo yung kakatayin na kinaumagahan, kasunod ay buhay ng taong mauutas.
Hindi kaya nakikita ng mga asong ito ang kanilang kamatayan kayat bago pa man sila bawian ng buhay ng tao, mauuna na nilang bawian ng buhay ang mga ito? Hindi rin naman kasi mga karaniwang inosenteng tao ang kadalasang sumusunod na pinaglalamayan sa tuwing may aalulong.
Madalas sa hindi ay mga manginginom rin na minsan nang nagpasasa sa karne ng itinuturing ng marami sa ating,..man’s best friend ang binabawian ng buhay.
Ang Wakas!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento