Hiram
November 21st, 2009
Tipikal na teenager si Karen. Hindi naging hadlang ang kanilang kahirapan upang hindi masunod ang hilig niya sa sosyalan. Ang pagdalo sa kabi-kabilang party, imbitado man siya o hindi. Basta may mabalitaang okasyon, hindi talaga magkandatuto si Karen sa paghahanap ng damit na maisusuot.Bantad ang ina ni Karen sa gawi ng anak. Nagsawa na nga ito sa pagpigil kay Karen at pagpa-paliwanag na hindi masama ang pagdalo sa pagtitipon o mga parties. Ang masama ay ang ginagawa nitong paraan masunod lang ang hilig ng katawan.
Sukdulang mangutang, sukdulang manghiram at sukdulang magsinungaling at gumawa ng kuwento makadalo lang sa party ay gagawin ni Karen. Kahit pa may maipahamak itong ibang tao.
Karamihan kasi sa kabarkada ni Karen ay.. can afford na tustusan ang hilig sa katawan. Can afford na bumili ng magagandang damit at sapatos. Bagay na hindi kaya ni Karen dahil mahirap lang sila.
Ang totoo, kailan lang ay tuluyan nang huminto sa pag-aaral sa highschool si Karen. Wala na kasing maitutustos pa sa kanyang pag-aaral ang mga magulang.
Limang kapatid pa ni Karen ang nag-aaral. Ang kumikita lang ay ang kanilang ama. Si Karen na panganay pa ang mahilig magbulakbol sa klase. Kaya nagdesisyon ang kanyang ama na patigilin na lang siya.
Ang pagtulong sa bahay ang iminungkahi ng ama ni Karen na gawin nito. Ngunit pag-alis ng ama upang magtrabaho ay tinatakasan nito ang ina. Naglalagalag na siya.
Isang hapon ay nadatnan si Karen ng ina na naghahalungkat sa kanilang aparador. Nagkalat sa papag ang mga damit.
“Ano’ng ginagawa mo? Ano’ng hinahanap mo d’yan ha?”
“Wala ho. Buwisit! Wala na ‘kong makitang matinong damit dito!”
“Ano’ng binubulong mo d’yan?”
“Wala ho. May pupuntahan lang ako, ‘Nay.”
“At lalayas ka na naman’? Wala ka ng ginawa kundi maglagalag! Hoy, Karen, dalaga ka na…”
“Tama na nga ho. May pupuntahan lang ako sandali.”
Hinabol ng sermon ng ina si Karen ngunit mistula itong bingi na nagtuloy pa rin ng layas.
Sa isang kaibigan nagpunta si Karen.
“Ano pa ang mapapahiram ko sa ‘yo? Nahiram mo na nga lahat ang damit ko,’ di ba? Ikaw’ tong maarte na ayaw pang nag-uulit ng damit.”
Looking problematic na talaga si Karen. Kailangan nito ng damit na maisusuot dahil JS prom kinabukasan sa school na dating pinapasukan.
“E, bakit kasi gusto mo pang mag-attend ng prom e, nag-drop ka na nga, e.”
“Asar ka d’yan! Iyon kaya ang pinakahihintay ko ‘no? Mag pumuslit ako sa gate maka-attend lang no’n. Ano ba? Kanino baako puwedeng manghiram ng damit? Kainis naman!”
“Try mo kaya kay.. .tama si Marie! Puntahan mo si Marie. May Tita “yon na nagdya-Japan, ‘di ba?”
“Hindi naman kaya magmukha akong Japayuki kung sa kanya ako hihiram ng damit?”
“0, ‘di pumili kang hindi obvious na pang-Japayuki.”
“Puwede. Halika samahan mo ‘ko.”
Si Marie ay batchmate nila sa elementary. Pero hindi masasabing close friends sila. Minsan pang kinalimutan ni Karen ang hiya at pinuntahan ang bahay ni Marie. Ngunit nasa school pa raw ito sabi ng ina ni Marie.
Kinagabihan ay muling nagbalik na mag-isa si Karen kina Marie. Nagkausap ang dalawa. Ang totoo’y nagtaka si Marie dahil hindi ito gaanong pinapansin noon ni Karen.
“Kasi may party akong pupuntahan. Kahit ipa-rent mo sa ‘kin. Sige na, Marie, please?”
“Kailanba’yon?”
“Bukas nang gabi, e.”
“Gano’n ba? Teka, wait ka lang dito lilipat ako sa kabila. D’yan nakatira ang Tita ko.”
Nabuhayan ng loob si Karen. Nangiti na. Umalis si Marie. After thirty minutes ay bumalik ito. Bitbit ang isang plastic bag na puno ng mga damit.
“Pumili ka na d’yan.”
“Wow! Ang gaganda nito. Ang bait naman ng Tita mo. Thank you talaga, Marie, ha.”
Ngumiti si Marie. Ngunit kung pagmamasdang mabuti ay maaaninaw na fake ang ngiti nito. Ang totoo, lihim na kinaiinisan ni Marie si Karen. Dahil para kay Marie, maarte si Karen at sobrang mapagpanggap at umaastang rich.
Isang makintab na bestida na kulay itim ang napili ni Karen. Para rito ay iyon ang the best sa okasyon at magmumukha siyang super sexy.
Hindi napina-rent ni Marie ang damit. Kaya halos halikan ni Karen si Marie. Mula sa bahay ni Marie, sa isang kabarkada tumuloy si Karen.
“Dito ako magbibihis bukas. Sabay na tayong pumunta sa school. Iyong ticket… okay na ba?”
“Oo. Ako pa? Malakas ‘ata ako kay Sir.”
Sa utos ni Karen, hiningi ng kaibigan sa kanilang adviser ang ticket ng isa nilang kaklase na hindi makakadalo sa prom. Iyon ang ipagagamit kay Karen. Ideya iyon ni Karen mismo.
“O, tingnan mo… ‘di ba ang ganda ng nahiram ko? ‘Di ba?”
“H-Ha? Oo.. .oo, maganda nga. Pang-Japayuki talaga.”
“Ano’ng sabi mo?”
“Wala. Basta agahan mo na lang bukas dahil magme-make-up pa tayo. Okay?”
Sumapit ang JS prom. Walang kaalam-alam ang ina ni Karen na dadalo ito kahit drop-out na sa school na pinapasukan.
Sa daan pa lang ay marami ng napapatingin kay Karen. Lalo na pagdating sa school. Titingin kay Karen ang mga ito at magbubulungan.
At nagsimula ang sayawan. Lumakad ang oras. Subalit sa buong pagtataka ni Karen, isa man ay walang nagyaya sa kanyang sumayaw. Kahit pa sinadya na niyang magpapansin at magpa-charming sa mga lalaki roon ay wala pa ring epekto. Nakaramdam na ng pagkainis si Karen.
“Kung ikaw na kaya ang magyaya?” bulong na suhestiyon ng isang barkada ni Karen, na pabulong din nitong tinanong kung bakit walang ibig na makipagsayaw sa kanya.
“Buwisit talaga! Ano bang problema ng mga inutil na lalaking ‘yan? Bakit ayaw nila akong isayaw? Mga buwisit!”
Hindi na iyon nasagot ng kaibigan dahil may nagyaya ritong magsayaw. Upang hindi lubusang mapahiya, tumayo si Karen at mag-isang tinungo ang dance floor. Saka ito walang pakundangang humataw ng sayaw kahit walang kasayaw.
Napatingin ang marami kay Karen. Bukod sa solong pagsasayaw nito, nakatatawag-pansin talaga ang kilos ni Karen. Ang paraan ng pagsayaw nito.
May ibang napapailing. Ang ilan ay natatawa. At ang iba pa ay waring naririmarim sa nakikita sa dance floor.
Hanggang matapos ang pagtitipon ay umuwing bigo si Karen. Inis na inis. Galit na galit sa mga lalaking dumalo sa party. Habang daan ay nanggigigil sa pagsasalita si Karen. Habang tahimik lang ang kasama nitong kaibigan.
“Sino ba sila sa akala nila? Ang papangit naman nila, tse!”
“Cool ka lang, friend. E, kasi naman…”
“E, kasi ano? Ano sabi!”
‘ ‘Huwag kang magagalit pero… friend, kasi kaninang nagsasayaw ka sa dance floor parang… ang weird ng itsura mo, e.”
“Anong weird? Anong weird ang pinagsasasabi mo d’yan?”
“Sa totoo lang, friend para kang kuwan…para ka talagang nagwawala. Para namang hindi ka aware sa pinaggagawa mo d’yan kanina”
Nanlaki ang mga mata ni Karen.
“Excuse me! Nagwawala? Ako nagwawala?”
“Huwag mong sabihing hindi mo alam kung paano ka sumayaw kanina? Ano ‘yon, umaarte ka lang, gano’n?”
Kumunot-noo si Karen. “Paano ba ko sumayaw? Wala naman akong…”
“Ay grabe, friend! As in grabe talaga. Para talagang nagwawala ka… as in… nilalabas mo pa nga ang dila mo, e… tapos pabuka-bukaka ka pa, imagine? Kahit sila ma’am nga napatunganga sa ‘yo, e. Lalo na noong…”
“Ano?”
“Akalain mong manghila ka ng partner at inano mo?”
“Inano ko?”
“Ang laswa, friend… ‘yung act ba na para mo siyang inaano ba…”
“Inaano nga,e!”
“Sine-seduce mo siya… ‘yon na nga.”
Napaawang ang bibig ni Karen. Hindi nito matandaan na ginawa niya ang sinasabi ng kaibigan. Nawalan na ng imik si Karen hanggang makauwi sa bahay. Magdamag na gising si Karen. Iniisip pa rin ang nangyari.
After three days ay saka lang naisauli ni Karen ang hiniram na damit. Nilabhan pa kasi niya ito.
“Nag-enjoy ka ba sa party n’ yo?”
“H-Ha? Oo.. .oo siyempre. Salamat ulit.”
Ngumisi ng patuya si Marie pagtalikod ni Karen. Sabay bulong sa isip nito.
Buti hindi ka pinagmultuhan ng may ari ng damit na ‘to? Kadiri! Paano kaya kung malalaman mo na patay na ang may-ari nito at namatay na ito mismo ang suot?
Ang damit ay hindi pag-aari ng Tita ni Marie na isang entertainer sa Japan.Pag-aari ito ng isang kaibigan nitong entertainer rin na rape sa Japan.
Hindi sinasadyang nadala ng Tita ni Marie ang ilang damit ng kaibigang namatay nang huling pag-uwi nito sa Pilipinas. Nang magbalik ito sa Japan ay iniwan na ang mga damit na iyon.
Ang totoo ay ibinilin ng Tita ni Marie na sunugin na ang mga damit na iyon. Hindi pa nga lamang ito nagagawa ni Marie. Naisip ni Marie na ang mga damit na iyon ang ipahiram kay Karen dahil inis nga ito dito.
Sa sandali ng pagsasayaw ni Karen sa dance floor, hindi malayong sumanib dito ang kaluluwa ng tunay na may-ari ng itim na damit. Na isang entertainer sa Japan at walang awang pinaslang matapos pagsamantalahan ng ilang lalaking Hapon sa Japan.
Kung malalaman nga lang iyon ni Karen siguradong maninindig ang kanyang balahibo at magdadalawang isip na siyang manghiram ng damit ng ibang tao..
Ang Wakas
Huwag kang pipikit
July 18th, 2011
Kitang-kita ni Alex nang humabaang dila ng babae at nahati sa dalawa. Todo sindak na nagtatakbo si Alex. Tama si Kevin, bilisan niya ang takbo. Tama si Ed, huwag siyang pipikit. Dahil sa kanyang pagpikit, lulukuban siya ng dilim, at hindi na siya puwedeng magising… hindi na puwedeng magbalik…HUWAG kang pipikit!
Baka sa iyong pagdilat…hindi ka na magising!
“Dok, buhay pa ba ako?” halos palakihin ni Alex ang mata habang sinusuri siya ni Dr. Ewell.
Napakunot ang noo ng doktor. “Buhay na buhay ka pa. Hayan nga, o… gumagalaw ang iyong mata at humihinga ka pa.”
Hanggang kelan siya magiging dilat?
“Matulog ka muna, Alex… pagod na pagod ka na,” payo ng manggagamot.
Napasigaw si Alex. “Hindi! Hindi ako puwedeng matulog!” Parang baliw na idinilat niya ang mga mata sa pagitan ng mga daliri. Kung puwede nga lang bang tukuran ng palito ng posporo ang talukap ng mata ay ginawa na sana niya. Huwag lang siyang pumikit. Huwag lang antukin.
Matindi ang naging epekto kay Alex ng nangyari sa kaibigang si Kevin. Natagpuang wala na itong buhay sa hinihigaang kama kagabi. Binangungot daw. Pero bakit lubog ang mata?
Paano naman ipapaliwanag ang nangyari kay Ed noong isang linggo? Natagpuan ding walang hininga si Ed sa mismong kuwarto nito. Overdose daw sa gamot. Pero bakit sugat-sugat ang paa?
Bago pa man mangyari ang lahat nang ito ay masaya silang magkakasama sa masukal na lugar sa Magallanes. Hindi pinapasok ang lugar na ito dahil marami raw nagkukutang rebelde dito. Iyon ang trip nila ng barkada, mas mapanganib mas may thrill
Minsan na rin nilang pinatunayan ang pagkahilig sa adventure nang pasukin nila ang tribu ng mga namumugot ng ulo. Kumaripas sila ng takbo nang sa bukana pa lamang ay may humagis na baboyramo sa paanan nila na wala na ang ulo. Ang bilis nilang nagpulasan gayong hindi pa nakakarating sa paroroonan.
Ang dami nilang gustong puntahan. Ang kuwebang puno ng kalansay. Ang isla na tirahan ng mga pusang kumakain nang buhay na tao.
Puro naman sila kabog. Masabi lang na nailabas ang takot.
Si Ed, dating lalampa-lampa. Laging binabatukan ng mga nambu-bully sa eskuwela. Simula nang marating nila ang mga lugar nasa bangungot lang puwedeng makita ay nagawana nitong manindak. Mas marami pa ang kuwento kaysa sa totoo.
Si Kevin ay laki sa magulong pamilya. Lumaki sa tahanan na parang sona ng digmaan. Nakakatakot tumuntong sa lugar nila dahil kung hindi ka hahabulin ng sumpak, hahabulin ka ng pana. Hindi siga si Kevin, siya pa nga ang mahilig delihensiyahan ng pantoma. Nailalabas lang ni Kevin ang pagiging astig sa mga lugar ng guniguni.
Si Alex ay may tattoo pa raw sa braso. Ang laki ng kanyang braso, mamasel-masel at puno ng laman. Sino ba naman ang mag-aakala na sa laki ng katawan niya ay takot siya sa butiki, salumilipad na ipis, sa ulol na aso? Takot din siyang bastedin ng nililigawan niyang si Editha. Lahat na lang ay kinatakutan niya. Sa pagsama-sama sa dalawang kaibigan ay malalabanan daw niya ang takot. Fear factor.
“Kapag kami ang kasama mo mawawala ang lahat ng takot sa mundo.” Ang yabang ng mga ito kung magkuwento.
“Minsan lang ang sarap tadyakan ng dalawang ito,” minsan ay naibulong ni Alex sa sarili. Kundi ba naman mga nuknukan ng duwag, humuni lang ang kuwago o pumagaspas ang paniki pakiramdam ba naglabasan na ang lahat ng maligno. Ang bibilis pa tumakbo. Breaking the record Kung isinali siguro sa Bejing Olympic baka nakapag-uwi pa ng gintong medalya.
Ang huling pinuntahan nila bago sila nagkawatak-watak ay ang lugar papuntang Magallanes. Binabagtas ng kotse ni Kevin ang kahabaan ng highway, madilim at walang posting nag-iilaw. Matalahib ang lugar at napabalita pa nga na tapunan daw ng mga biktima ng summary execution. Nakakatakot. Sakatahimikan ng gabi ay pumunit ang malakas na sigaw.
“Ano iyon?” si Alex ang unang nakarinig.
“Ewan ko!” nadinig ba ni Ed?
Nag-bright ng ilaw sa kotse si Kevin para makita ang pinanggalingan ng sigaw. Isang babaing nakaputi ang nagtatatakbo ang nakita ni Alex. Hinahabol ng kung sino.
“Pare, tulungan natin,” si Alex ang nagsabi.
Kinontra ni Ed. “Baka masabit tayo, huwag na lang.”
Agad namang pinihit ni Kevin ang kotse pabalik. Hindi na lang sila tutuloy. Hindi pa man ay naunahan na ito ng takot ‘Talagang masasabit tayo kung hindi tayo tatakbo.”
Muli ay nadinig nila ang sigaw. Tulungan n’yo ako, hinahabol ako ng halimaw!” Pero tinakasan din nila ang babae.
Kinaripas na ng takbo ni Kevin ang kotse palayo habang tinatangay sa hangin ang panaghoy ng paos na boses. “Mga duwag… tulungan n’yo ako, mga duwag!”
Nasa bahay na ay hindi pa rin dalawin ng antok si Alex. Naging madamot ang antok. Ang babaing nakaputi ang nasa isip niya. Ano na kaya ang nangyari doon? Sino kaya ang humahabol sa babaing iyon? Baka nasaktan na ito, napatay o nailugso ang puri. Para ngang nagdurugo pa ang kamay ng babae. Kundangan naman kasi ay bakit hindi pa nila tinulungan.
Nakakakunsensiya naman.
Dilat na dilat ang mata nila sa nasaksihang eksena pero nagtulug-tulugan pa rin sila. Nagpikit-pikitan. Ganoon sila kaduwag.
Ito na ba ng ibinunga nang karuwagang iyon?
Natatandaan ni Alex bago bawian ng hininga si Kevin ay nakatawag pa sakanya at ang bilin: Pare, huwag kang pipikit! Huwag kang pipikit!
Si Ed man ay may sinabi rin sa kanya bilang huling paalam. “Pare, bilisan mo ang takbo. Huwag kang hihinto… takbo!”
Ang mga pahiwatig na iyon ang dahilan kung bakit nagkakaganito ngayon si Alex.” Huwag siyang pipikit. Baka sa kanyang pagpikit ay hindi na siya magising pa.
Ngayon kinasabikan ni Alex ang tulog.
Dati kasi kapag kasama niya ang dalawang kaibigan ay walang tulugan. Inaabot sila ng umaga sa daan. Pamorningan.
Kung kelan puwede na siyang matulog ay hindi niya magawa.
“Alex, bakit ba palakad-lakad ka sa.labas, gabi na,” napuna siya ng tiyuhin na kapisan niya sa bahay. “Bakit ba hindi ka natutulog?”
Hindi siya dalawin ng antok. Iyon ang sabi niya.
Pero sabi lang niya iyon. Lahat ay ginagawa niya para hindi pumikit.
Nandiyang pakagat siya sa mga hantik.
Nandiyang tusukin niya ng aspili ang balat.
Nandiyang pahabol na siya sa asong ulol.
Nandiyang habulin niya ang nagliliparang ipis.
At ang pinakagrabeng ginawa na niya ay kinuryente niya ang sarili, huwag lang makatulog.
Ano kaya ang nakita ng dalawang kaibigan sa kanilang pagpikit at hindi na sila nakabalik?
Hanggang kelan siya mananatiling gising?
May paraang naisip si Alex. “Dok, operah’an mo ang mata ko. Itupi mo pataas pagdikitin mo ang talukap,” sabi niya.
Napapailing ang doktor. “Sa karanasan ko bilang siruhano ay wala pang nakapagsabi sa akin nang ganyan,” tanggi nito. “Hindi mo ba alam na magmumukha kang katawa-tawa habang dilat na dilat ang mata? At hindi maaari iyon dahil matutuyo ang natural fluid na kailangan ng mga mata natin.”
Desperado na si Alex. Pinitserahan ang doktor. “Hindi mo ba alam, Dok… na bawal sa akin ang pumikit. Hindi, ako puwedeng matulog. Hindi!”
Tinalikuran siya ng doktor. “Nasisiraan ka na ng bait.”
Talagang napapraning na siya. Iyong dampot ni Alex sa gunting, kinorner niya ang doktor, tinutukan sa leeg. “Ooperahan mo ba ako o hindi?” gigil na tanong, halos magngalit ang ngipin.
Nanginginig na kinuha ng doktor ang mga gamit para isailalim si Alex sa isang operasyon. Tiniis ni Alex ang sakit nang pagdikitin ang balat sa pagitan ng mata niya nang walang gamit na pangpangimay.
“Aray!” Tiyak na makakatulog siya kapag tinurukan ng anaesthesia.
Natapos ang operasyon. Natawa pa si Alex nang makitang dilat na dilat ang kanyang mata. Tinangka niyang ipikit pero nakatahi na ang balat niya, hindi na magsasara ang kanyang mga mata. Napalakas ang tawa ni Alex. Kinilabutan ang doktor sa naging hitsura ng pasyente.
Lumabas si Alex ng operating room na baon ang pag-asa na hindi siya matutulad sa kapalaran ng dalawang kasama. Iibahin niya ang kapalaran niya.
Sa daan ay nasalubong niya ang babaing nililigawan. “Magandang gabi, Editha!” sa kasabikan ay nakalimutan niya ang hitsura at sariwang tahi sa kanyang mata.
“Halimaw!” sigaw ni Editha. Nagtatatakbo ito at takot na takot. Habol niya ang babae pero nagsisisigaw iyon, humihingi ng tulong.
May isang lalaking nakarinig sa panaghoy ng babae. Isang patpatin at mukhang tuktuking lalaki pero malakas ang loob. Kumuha iyon ng tubo at buong lakas na inihambalos ang matigas na tubo sa ulo ni Alex.
Nawalan ng malay ang natumbang si Alex. Dilat ang mata pero nag-aagaw-antok ang diwa niya. Muli ay nakita niya ang eksena sa madilim na lansangan habang hinahabol ng kung sino ang nagtatatakbong babae. Sumisigaw. Humihingi ng tulong sa kanya.
Sa pagkakataong ito, iibahin niya ang istorya, tutulungan niya ang babae.
“Tulungan mo ako, hinahabol ako ng halimaw!” iyon ang dinig niyang sabi sa kanya.
Tumakbo siya papalapit sa babae. Ang lakas ng loob niya. “Miss, huwag kang matakot. Ako ang bahala sa iyo.”
Sa malayo, nakita niya ang anino ng lalaking humahabol sa babae, pasuray-suray, parang laging nangangapa sa dilim.
Ano nga bang klaseng halimaw ito?
Dumampot siya ng pamalo, panghataw sa kalaban. Ang higpit ng pagkakahawak niya sa pamalo.
Sa tama ng buwan ay naaninag niya ang buong anyo ng lalaki, lubhang nanghihina, at matatakot siyang talaga dahil walang mata, dinukot ang mata.
“Diyos ko!” napanganga siya sa takot.
Nakita niya ang paghihirap ng lalaki habang lumuluhod at nagmamakaawa na. Ang paos na boses. “Tulungan mo ako…”
Kaboses ng sigaw na narinig nila noon. Kung gayon, lalaki ang humihingi ng tulong.
“Ibalik mo ang paningin ko… ibalik mo…” pakiusap nito, sa tonong nagmamakaawa sa babae.
Pagsulyap ni Alex sa kamay ng babae, hawak-hawak nito ang duguang mata, mainit-init pa at bagong dukot lang.
Kalalaking tao ni Alex ay napasigaw siya. Nagtatarang.
“Ibalik mo ang mata niya. Ibalik mo!”
Napaatras si Alex lalo pa’t nakita niya na parang bola na itinapon ng babae sa bangin ang dinukot na mata.
Kasunod niyon ay nakangising humarap sa kanya.
Nag-iba ang anyo nito. Nangagtayuan ang mga buhok nito at nilabasan ng naglalakihang ugat ang mukha at katawan. “Magandang gabi!” Lumitaw ang madugong gilagid at mga pangil na sala-salabat ang tubo. Mistulang bangenge sa napanood niyang horror film.
Nag-beautiful eyes pa sa kanya ang babae.
Kitang-kita niya rin kung paano lumuwa ang mata ng babae. Halos humiwalay ang eyeball nito. “Akina ang mata mo… akin ang mata mo,” sabi nito.
Dumila ang babae, at kitang-kita niya nang humaba ang dila nito at nahati sa dalawa. Todo sindak na nagtatakbo si Alex. Tama si Kevin, bilisan niya ang takbo. Tama si Ed, huwag siyang pipikit. Dahil sa kanyang pagpikit, lulukuban siya ng dilim, at hindi na siya puwedeng magising… hindi na puwedeng magbalik.
Minsan nang naisulat, ang sinumang makakita sa bangungot na mukhang ito ay hindi na makakabalik ang buhay.
Wakas
Kabaong
January 4th, 2010
Isang kababalaghan at nakakatakot na karanasan ang kailangan pang maganap kay Artemio para ituwid niya ang maling pamamaraan sa kanyang hanapbuhay.MAY-ARI ako ng isang funeral parlor sa aming lalawigan. Ang negosyong iyon ay namana ko pa sa aking yumaong ama. Nang ako ang mamahala niyon, napaunlad ko naman iyon dahil sa modus operandi na ginagawa ko. Tutol ang aking asawa roon pero hindi ko na lang pinapansin ang pagsalungat niya dahil doon ako nakakatipid at tumutubo nang malaki.
Hindi naman ako ang aktuwal na gumagawa ng raket na naisip ko kundi ang mga supplier ko na dalawang sepulturero ng malalaking sementeryo sa aming lalawigan. Ninanakaw nila ang kabaong mula sa mga kalilibing lang na bangkay sa nasasakop nilang sementeryo at ipinagbibili iyon sa akin sa halagang sagad ang ginagawa kong pagtawad sa presyo.
Noong una, wala akong ideya sa ganoong bagay, pero napag-isip-isip kong pabor iyon sa takbo ng aking negosyo. Sa panahon ngayon na uso ang ukay-ukay, o mga segunda manong ibinebenta sa mga mamimili, bakit nga ba hindi ako magbenta ng segunda manong kabaong? Pero hindi sa presyong secondhand kundi sa bago.
“Hindi ka ba nakokonsiyensiya sa ginagawa mo, Artemio?” palaging sinasabi sa akin ng asawa kong si Monica. “Binili na ng mga kaanak ng namatay ang ataul na ninakaw ng mga sepulturerong iyon, binibili mo naman para ibenta sa iba?”
“Monica, sa panahon ngayon, kailangang gumamit din ng kaunting katusuan sa negosyo natin. Mas malaki ang puhunan ko kapag nagpapagawa ako ng mga kabaong na ibinebenta pero dito, tumutubo ako nang malaki. Alam mo naman, may mga namamatayan na sobra kung tumawad sa kabaong at serbisyo. Dito lang ako nakakabawi.”
“Pero paglapastangan sa patay ang ginagawa ng dalawang sepulturero na nagbebenta sa iyo niyan! Kung ikaw ang kamag-anak ng namatayan, ano na lang ang mararamdaman mo?”
“Sino ba sa mga nagpapalibing ng kanilang patay ang ipinahuhukay uli ang bangkay kapag naihatid na sa huling hantungan maliban doon sa mga biktima ng krimen na ine-exhume ang bangkay para muling suriin? Wala, “di ba? Paano nila malalaman na nawawala ang kabaong ng kanilang patay?”
“Kahit na. Dapat ka pa ring makonsiyensiya. Patay na sila, ninanakawan pa.”
“Ang mas masama ay iyong buhay ang nanakawan, tapos ay papatayin. Ang ginagawa ko ay para hindi masayang ang kabaong na kakainin lamang ng anay o kakalawangin sa hukay.”
Praktikalidad ang palagi kong rason at justification sa aking raket. Katwirang inaayunan ng mga taong praktikal din ang pag-iisip na katulad ko. Nagpatuloy ako sa aking ginagawa sa kabila ng pagtutol ng aking asawa.
“Bossing, may dala kami sa iyo at tiyak na matutuwa ka,” sabi ni Mulong na isa sa mga nagbebenta sa akin ng secondhand na kabaong.
Nang ilabas na niya mula sa loob ng sinasakyan niyang closed van ang kabaong, nagulat ako. Isang mamahaling ataul ang dala niya na yari sa salamin at bronze. May nakaukit din na disenyo sa tagiliran niyon na gamit ang nagkikislapang hiyas.
“Ganito ang pangarap kong maging himlayan kapag namatay ako,” biro ko kay Mulong.
“Paano, Bossing, di malaki-laki ang presyo mo sa dala ko ngayon?”
Nagsimula kaming magtawaran ni Mulong. Dahil alam ko ang presyuhan ng ganoong mamahaling kabaong, naging madali sa akin ang pagbarat sa kanya ng halaga niyon. Sa dakong huli, pumayag na rin siya sa huling tawad ko na alam ko namang tubong-lugaw pa ako. Nang iwan na niya ang kabaong, naghanap na ako ng malulugaran niyon. Para sa akin ay espesyal iyon para isama ko sa mga ordinaryo lamang, bukod pa sa baka maging mainit iyon sa mga mata ng mga kalaban kong funeral parlor sa aming probinsiya. Lingid sa kaalaman ng aking asawa, itinago ko iyon sa isang silid sa basement ng bahay ko.
Habang nakahiga ako katabi ni Monica, iniisip ko pa rin ang nabili kong kabaong at sa malaking halaga na maaari kong mapagbentahan doon.
NASA loob ako ng aming funeral parlor nang makaramdam ako ng pagkaliyo. Ang sumunod doon ay hindi ko na natatandaan. Nang magkamalay ako, nasa loob na ako ng ospital at nasa tabi ko si Monica na nagbabantay sa akin.
“A-ano ang nangyari?” tanong ko sa kanya.
“Bigla ka na lang natumba kaya isinugod ka namin dito sa ospital,” tugon niya.
“A-ano ang sabi ng doktor?”
“Na-stroke ka raw. Mabuti na lang at mild lang at agad kang naka-recover.”
Bigla kong naalala ang aking ama at mga nakatatandang kapatid. Stroke din ang kanilang ikinamatay. Kinabahan ako. Sanay man ako sa amoy ng taong namatay, dahil iyon ang negosyo ko, hindi ko rin maiwasang kilabutan, lalo na at nai-imagine ko na ako na ang nasa loob ng kabaong. Gusto ko pang mabuhay nang matagal at napakaaga pa para sa edad kong kuwarenta para mamatay. Sesenta y sais nang yumao ang tatay ko. Singkuwenta y singko naman si Kuyang Daning at singkuwenta si Dikong Uding.
Nang gabing iyon, naiwan akong nag-iisa sa silid ng ospital. Umuwi na kasi ang aking asawa upang tingnan naman ang mga anak namin sa bahay. Napansin ko na pumapatak ang ulan na tanaw ko sa bintana ng aking silid. Ipinikit ko ang aking mga mata para matulog pero sa dami ng mga iniisip ko ay ayaw akong dalawin ng antok.
Nagulat ako nang dalawang lalaki na nakaterno ng itim na damit ang pumasok sa aking silid. Hindi ko sila kilala pero tila ako ang pakay nila. Paglapit nila sa akin ay binuhat agad nila ako at inilagay sa stretcher.
“Bakit?” tanong ko sa kanila. Subalit wala man lamang umimik sa mga ito.
Naalarma ako sa ginawa nila sa akin. Hindi naman sila mukhang doktor o hospital attendant. Itinulak nila palabas ang stretcher na kinahihigaan ko.
“Saan ninyo ako dadalhin?” tanong ko uli. Pero tila mga pipi ang dalawa na awtomatiko ang ginagawang kilos.
Nakapagtataka na tila walang nakakapansin sa amin gayong dinaraanan namin ang mga doktor at nurse ng ospital. Nakalagpas din kami sa guwardiya ng ospital gayong nagbabantay naman siya sa pinto.
Sa labas, nanghilakbot ako dahil isang magarang karo ng patay ang naghihintay. Natiyak ko na doon ako isasakay ng dalawa pero kahit ano ang gawin ko ay hindi ko magawang makakawala. Tila namanhid na ang aking buong katawan. Binuksan nila ang pinto ng karo. Sa loob niyon ay nakita ko ang isang magandang kabaong na kamukha ng binili ko kay Mulong. Doon nila ako inihiga sa kabila ng pagsigaw ko.
“Hindi pa ako patay! Huwag ninyo akong ilagay sa kabaong!”
Nilunod lamang ng katahimikan ang aking pagsigaw. Naramdaman ko na umandar ang karo. Mabagal lamang ang takbo niyon na sinabayan ng tugtog ng punebre na pumailanlang sa aking pandinig. Nagsala-salabat na ang aking pangitain habang sakay ng karo. Mga eksenang halos magpabaliw sa aking matinong isipan. Takot, kilabot, panginginig at panlalamig ng katawan ang aking nadama. Ilang sandali lamang ay naramdaman ko uling huminto ang karo pero patuloy pa rin ang pagtugtog ng punebre. Mayamaya ay bumukas ang pinto ng karo. Isang lalaking hindi ko nakikilala at nakasuot ng puting amerikana ang dumukwang sa kabaong na kinaroroonan ko.
“Hindi ba’t ang kabaong na ito ang pangarap mong maging himlayan?” sabi niya sa akin.
“Hindi pa ako patay! Huwag ninyo akong ilibing!” pasigaw na sabi ko sa kanya.
Ngumiti ang lalaki pero sapat na ang bahagyang pagbuka ng bibig niya para magkandahulog ang mga uod na kumikiwal-kiwal pa na nagbagsakan sa aking mukha, na higit na ikinasindak ko. May bumuhat sa kabaong na kinahihigaan ko mga lalaki na pawang nakasuot ng puting pamburol. Dinala nila ako sa isang bukas na nitso. Itinulak at ipinasok nila sa loob niyon ang kabaong. Dumilim ang aking paligid. Sumigaw ako hanggang sa halos mamaos at mawalan na ako ng boses.
Noon ako nakadinig ng papalapit na mga yabag. Sumindi ang ilaw. Bigla ring nagliwanag ang paligid ko. Nakita ko ang asawa ko na nagulat pagkakita sa akin.
“Ano’ng ginagawa mo riyan? Bakit ka nakahiga sa kabaong?” tanong niya habang napapaantanda.
“M-may dumukot sa akin sa ospital at inihiga ako rito saka inilibing,” takot na takot na tugon ko.
“Anong ospital? Anong inilibing? Nagising na lang ako na wala ka sa tabi ko kaya hinanap kita. Mabuti na lang at may naulinigan akong boses dito kaya bumaba ako.”
Noon naglinaw sa aking isip na isang bangungot lang ang naganap na pangyayari. Pero kung bunga iyon ng panaginip, bakit ako napunta sa pinaglagakan ko ng kabaong sa basement? Sino ang nagdala sa akin doon?
Nang bumangon ako mula sa kabaong na nabili ko kay Mulong, may naramdaman akong gumagalaw sa kuwelyo ng suot kong pantulog. Kinapa ko iyon hanggang sa nadurog iyon sa aking palad.
“U-uod!” diring-diring bulalas ko.
Isang misteryo ang naganap sa akin. Hiwagang hindi ko mabigyan ng kasagutan. Pero iyon ang naging Simula para itigil ko na ang aking masamang ginagawa.
Isang araw, may babae na asawa ng isang basurero ang umiiyak at nagmamakaawa sa akin na pautangin siya ng kabaong na paglalagakan ng kanyang namatay na asawa. Nagulat ang maraming nakakita dahil isang napakagandang kabaong ang ibinigay ko nang libre sa kanya. Ang kabaong na nabili ko kay Mulong. Libreng serbisyo rin ang ipinagkaloob ko sa yumao ng biyuda. Sa ngayon, hindi na tubo ang aking priyoridad sa aking negosyo. Kumita lang ako nang kaunti ay sapat na sa akin basta malinis lang ang aking konsiyensiya.
Ang Waka
Kandila
April 21st, 2011
Ang okasyon ng pagdarasal ng mga ito ay ang araw ng kamatayan ng ina ni Marita, suminding kusa iyong kandila…Likas na relihiyoso ang pamilya Fuentes. Sina Marita at Narding ay hindi nakalilimot na paalalahanan ang tatlong mga anak na magdasal sa lahat ng sandali.
“Ang dasal ang pinakamalakas na sandata laban sa kasamaan at sa panganib.”
Iyon ang madalas na sabihin ng mag-asawa sa mga anak na sina Jane, Laila at Milet. Kaya naman nakalakihan ng mga ito ang palagiang pagdarasal. Pagsapit ng orasyon o ika-anim ng gabi ay sabay- sabay silang nagdarasal sa harap ng kanilang altar.
Sa tuwing araw ng Linggo ay nagsisimba rin ang buong pamilya. Idagdag pa ang ilang mga okasyon na mayroong misa sa simbahan. Iyon ang paraan ng mag-asawa upang lumaki ang tatlong anak na may takot at pananalig sa Diyos.
Isang hapon ay nag-utos na si Marita sa mga anak. Wala noon ang asawa nitong si Narding dahil nasa trabaho pa.
“Magsindi na kayo ng kandila sa altar. Magdarasal na tayo.”
Si Laila ang gumawa ng inuutos ng ina. Dalawang kandila ang sinindihan nito at itinulos sa harap ng altar.
Pagkuwa’y nagsiluhod na ang mag-iina sa harapan ng altar at sinimulang magdasal sapamumuno ni Jane.
Ang okasyon ng pagdarasal ng mga ito ay ang araw ng kamatayan ng ina ni Marita, na lola ng magkakapatid. Taun-taon, sa tuwing sasapit ang araw ng kamatayan ng kanilang lola ay ipinagdarasal nila ito. Ganoon din ang iba pang kaarawan ng kamatayan ng iba pa nilang kaanak.
Matapos ang pagdarasal ay pinatay na ni Milet ang kandila sa altar.
“Milet, ikaw na lang ang hindi pa natututo hanggang ngayon ng pamumuno ng dasal sa kaluluwa. Aba’y kailan mo pa ba ito matututuhan ha?”
Ang bunsong si Milet kasi ay mahirap makatanda. Kahit pa may booklet ng binabasa sa pagdarasal ay hindi nito magawang matandaan ang pagkakasunud-sunod ng mga dasal. Ang dalawa niyang kapatid ay sanay ng mamuno.
“E, kasi naman, ‘Nay, ubod ng haba ang mga dasal saka…”
“Puro ka reklamo. Bakit iyong mga usong kanta marinig mo nga lang kabisado mo na agad. Naku! Baka kapag ako ang namatay ni hindi mo ako magawang ipagdasal ha?”
‘”Nay naman!”
“Kaya ko kayo gustong matuto, para’pagtanda ninyo ay maipagdasal n’yo man lang ang mga kaluluwa ng kaanak ninyo. Pag-aralan mo ang mamuno sa pagdarasal,”
“Opo.”
Hindi naman nabigo si Marita sa bunsong anak. Natutuhan din ni Milet ang pagdarasal patungkol sa mga kaluluwa sa purgatoryo.
Hanggang magsilaki, magsitanda at nagkaroon na ng sari-sariling pamilya ay nakagawian ng magkakapatid ang pagdarasal. Bagay na itinuro rin ng mga ito sa kanilang mga naging anak.
Isang hapon na kauuwi lang ni Milet mula sa opisina ay nadatnan na nito ang dalawang anak sa bahay. Nanonood ng tv ang mga ito. Agad na humalik sa ina ang dalawa.
“Ang Daddy n’yo wala pa ba?”
“Wala pa ho,” sagot ng isa nitong anak.
“Nakasaing ka na ba, Sheena?”
“Opo, ‘My.”
“Magbibihis muna ‘ko. Hintayin na natin ang Daddy n’yo saka tayo kumain.”
Umakyat sa itaas ng bahay si Milet upang magpalit ng damit pambahay. Nagtaka ito sa nakita bago sapitin ang kanilang silid.
Sindido ang dalawang kandila sa kanilang altar. Ang altar ay madadaanan bago marating ang silid ng mag-asawa.
Hinipan ni Milet ang sindi ng kandila at saka lang nagtuloy sa silid. Pagbaba ng bahay ay sinita nito ang dalawang anak.
“Sino ang nagsindi sa inyo ng kandila sa altar? Tapos iniwan? Paano kung magkasunog?”
“Hindi ako,’My.”
“Aba hindi rin ako.”
“Alangan namang suminding kusa iyong kandila ro’n. Kayo talaga napakahirap paaminin kapag may ginawang kasalanan. Huwag n’yo na ulit gagawin ‘yon. Kapag nasunugan tayo, sa kalsada tayo dadamputin.”
“Talaga namang hindi ako ang…”
“Lalo naman ako…”
“Huwag na kayong magtalo. Basta huwag na itong mauulit. Maghahain na ‘ko.. .parating na tiyak ang Daddy n’yo.”
Naglalagay na ng mga pinggan sa mesa si Milet nang mapatingin ito sa kalendaryong nakasabit sa likod ng backdoor.
“21 ? Abeinte uno nga pala ngayon at… Hesusmaryosep!”
Napaantandang krus si Milet. Nagmamadali itong pumasok sa salas kung nasaan ang mga anak.
“Naku, mga anak. May nakalimutan tayo. Kamatayan nga pala ngayon ng Lola Marita ninyo.”
“Ay oo nga, ‘My. 21 ngayon. Hindi pa tayo nagdadasal.”
“Magdadasal tayo ngayon. Patayin n’yo na ‘yang tv at umakyat na tayo sa itaas.”
Muling sinindihan ni Milet ang mga kandila sa altar. Ito ang namuno ng dasal. Nang makatapos ay agad nag-text si Milet. Una nitong pinadalhan ng text message ang kapatid na si Laila. Sumunod si Jane. Ipinaalala niya sa dalawa ang araw na iyon, ang araw ng kamatayan ng kanilang ina.
Agad namang nag-reply sina Laila at Jane. Hindi raw nakalimutan ng mga ito ang kamatayan ng ina at sa katunayan ay tapos na raw magdasal ang mga ito para sa kaluluwa ng kanilang ina.
Hindi na inamin pa ni Milet na nakalimot siya sa okasyon. Noon din lamang napagtagni ni Milet ang sindidong kandila sa altar.
Marahil nga ay nagsasabi ng totoo ang dalawa niyang mga anak. Wala sa mga ito ang nag sindi ng kandila. Marahil, ang kanyang ina mismo ang nagsindi nito upang magbigay paalala sa kanya dahil minsan pa niyang nalimutang ipagdasal ang kaluluwa nito.
Nangako si Milet sa sarili at sa ina na hindi na nito muling kalilimutan pa ang okasyong iyon. Na palagi niyang ipagdarasal ang kaluluwa ng ina sa araw ng kamatayan nito.
“‘My, hindi kaya… si Lola Marita ang nagsindi ng…”
“Tumigil ka d’yan. Naipagdasal na nga natin siya, hindi ba? Nahuli nga lang. Bumaba na tayo at nang makakain na.”
Noon nila narinig ang pagtawag ng asawani Milet. Dumating na ito. Nagpatiuna nang bumaba ang magkapatid. Hinipan muna ni Milet ang sindi ng kandila saka muling nag-antanda ng krus.
Sorry talaga, ‘Nay. Ito na ang hiding pagkalimot ko. Pangako.
Wakas
Killer Bridge
August 16th, 2009
Sa kahabaan ng expressway patungong norte ay nagkalat ang patrol car na ang trabaho ay upang pangalagaan ang mga motoristang dumadaan sa nasabing lansangan sa bahaging iyon.Continuous monitoring ang ginagawa ng mga patrol officers upang ipaalam sa isa’t isa ang kalagayan ng trapiko. Isa sa mga traffic officer na ito si June. Sa patrol car, sparring partner niya si Oliver.
Isang hapon ay natimbrehan sina June at Oliver na may aberya sa isang tulay na sakop ng kanilang sona. Agad silang sumakay ng patrol car at nagresponde.
Naabutan nila sa punong tulay ang isang kotse. Dalawang lalaki ang nasa labas at sinisipat ang ilalim na bahagi ng sasakyan. Ilang hakbang mula sa nakatigil na kotse nila inihinto ang patrol car. Pagbaba nina June at Oliver ay agad nila itong kinausap.
“Ano’ng problema rito?” si June.
“Boss, sumabog ang gulong, e.”
“Hindi n’yo ba tsinek bago n’yo ginamit?”
“Iyon nga ang ipinagtataka ko, e. Kagagaling lang nito sa talyer. Ang sumabog na gulong iyong bagong palit pa. Bago iyong gulong na nadale. Mukhang may nagulungang matulis na bagay kaya nabutas.”
“Pare, kailangan ng back up. Mayamaya lang mag ko-cause ito ng traffic kapag hindi pa ito naalis dito. Bago pa magkaroon na naman ng aksidente rito.”
“Boss, saan ba ang pinakamalapit na talyer dito?”
Nagbalik si Oliver sa patrol car upang humingi ng back up. Alin sa dalawa, hihila sa kotse o kokontak sa pinakamalapit na talyer upang siyang gumawa sa sumabog na gulong.
Mukhang may kaya ang may-ari ng kotse. Kaya marahil mas gugustuhin nito ang umupa ng gagawa sa sasakyan kaysa ito mismo ang magpalit ng gulong na sumabog.
Sa loob ng patrol car, napakunot-noo si Oliver nang matuklasang hindi gumagana ang gadget na ginagamit nila upang kumontak sa headquarter. Sinubukang ayusin ni Oliver ang gadget ngunit bigo itong mapagana iyon. Saka lang nalaman nito ang dahilan nang sipatin ang koneksyon.
“Pag mamalasin ka nga naman, oo.”
Muling bumaba ng patrol car si Oliver. Lumapit sa noo’y nag-uusap na si June at ang lalaking may ari ng kotse.
“Pare, hindi ako nakakontak. Na-disconnect tayo.”
“Paano nangyari ‘yon?” kunut-noong tanong ni June. “Kanina lang nakatanggap tayo ng mensahe, ‘di ba?”
“Ewan ko. Disconnected, e.”
Iniwan ni June ang kausap at tinungo ang patrol car. Kasunod nito si Oliver.
Samantala, nang mga sandaling iyon ay iritado ang isa pang highway patrol officer. Dahil ilang minuto na nitong sinusubukang kontakin sina June at Oliver.
Naitimbre sa quarter na mayroong isang cargo truck a few kilometers away sa tulay na mukhang nawalan ng preno. Ito ang kasalukuyang sinusundan ng dalawang patrol car.
Tinimbrehan ang iba pang patrol car upang bigyang babala. Maliban kina June at Oliver na hindi nga makontak-kontak.
“Pambihira! Naglakwatsa ‘ata ang dalawang ‘yon. Ayaw sagutin.”
Ang totoo, may connecting tone na naririnig mula sa Head Quarters. Ngunit sa mismong patrol car nina June at Oliver ay disconnected ang gadget.
“Paano naman na-disconnect…”
Hindi na natapos pa ni June ang sinasabi. Napalingon sa likurang direksyon dahil sa narinig na kakaibang tunog. At ang sumunod pa doon ay ang pag-ilanlang ng nakangingilong tunog. Tunog na nilikha ng nagsalpukang bakal.
Nakapangingilabot na eksena ang natambad sa ilang saksing motorista na nagawang maihinto ang minamanehong sasakyan.
Ang rumaragasang cargo truck ay sumalpok sa patrol car na kinalululanan nina June at Oliver. Sumalpok din ang patrol car sa nakahintong kotse na pumutok ang gulong.
Nagmistulang accordion ang tatlong behikulo na pasadsad na bumalandra sa isang bahagi ng tulay. Halos mayanig ang buong tulay sapagkat nabasag ang isang konkretong bahagi nito sa lakas ng impact.
Saglit na katahimikan ang naghari. Saglit din lang at unti-unting dumami ang taong ibig mag-usyoso. Ilang patrol car na kasunod ng cargo truck ang mabilis huminto. Ang mga patrol officers ay mabilis na nagresponde.
Sa aksidenteng iyon, malubhang nasugatan ang dalawang lalaking sakay ng nasirang kotse. Tumilapon ito matapos masalpok ang kotse. Tinangkang tumakbo ng dalawa ngunit hindi pa nakalalayo’y nahagip din ng sasakyan.
Patay ang driver ng cargo truck. Ang isang kasama nito ay malubhang nasugatan. Si Oliver ay nasa fifty-fifty condition sa hospital at si June ay sinamang-palad na masawi sa mismong lugar na pinangyarihan ng aksidente, sa loob mismo ng patrol car na kinalululanan.
Minsan pang kumalat sa lugar ang iba’t ibang komento.
“Talagang killer ang tulay na ‘yon. Pang ilang aksidente na nga ba iyon sa taong ito? Hindi na mabilang. Talagang hindi titigil ang tulay hanggang walang nagbubuwis ng buhay kada taon.”
“Pinamamahayan na nga daw’ ata ni Kamatayan ang tulay na ‘yon. Sa dami na nang nagbuwis ng buhay sa aksidente ro’n.”
“Kung may daan nga lang na iba.. .totoong nakakatakot nang dumaan pa sa tulay na ‘yon.”
Makaraan ang ilang araw, lumabas ang investigative report sa naganap na sakuna Natuklasan na hindi disconnected ang patrol gadget para sa communication ng patrol car na gamit nina June at Oliver.
Siniyasat maging ang loob ng wrecked patrol car matapos sabihin ng naka-duty sa Head Quarter na hindi sinasagot ng dalawa ang tawag. Nang makausap matapos makaligtas sa panganib si Oliver, pinatotohanan nito na wala silang natatanggap na tawag dahil disconnected ang gadget Bagay na pinatunayan din mismo ng dalawang lalaking may ari ng nasirang kotse.
Sa mga nakakaalam ng katotohanang ito, ipinagkibit-balikat na lang ang kataka-takang sitwasyon. Ngunit may ilang nagsabi na sinadya iyon ng masamang ispiritu o ng diablo upang may magbuwis na naman ng buhay sa killer bridge.
Ang Wakas…
Lola
November 2nd, 2009
MASUNGIT ang panahon ng araw na iyon. Malakas ang ulan at kung bakit naman noon pa dinapuan ng mataas na lagnat sina Ronel at Maggie. Wala ang kanilang mga magulang dahil parehong sa Maynila nagtatrabaho ang mga ito. Hindi naman iyon mahirap para sa magkapatid dahil katabi lang naman ng kanilang bahay ang kanilang mga tiyahin at ang bahay ng kanilang Lolo Johnny. Kapag ganito ang sitwasyon ay wala silang maaasahan kung hindi ang mga kamag-anak na kalapit bahay.Edad Sampung taon si Maggie at Dose anyos naman ang kanyang Kuya Ronel. Galing sila sa eskwela at inabutan ng malakas na ulan kaya ngayon ay pareho silang inaapoy ng lagnat.
“Sinabi ko naman kasi sa inyo na huwag na huwag kayong magbabasa sa ulan. Uso ang trangkaso ngayon!” nag-aalalang sabi ni Aling Eda. May dala itong gamot..
“O, eto ang mga gamot.. .iniunin n’yo na!”
Sumang-ayon naman ang magkapatid. Bumangon ang mga ito at ininom ang gamot. Tapos ay kinain ang lugaw na dala rin ni Aling Eda.
“Pasensiya ka na Tiyang, pati ikaw ay naaabala sa nangyari sa amin!” Nahihiyang sinabi ni Ronel.
“Oo nga po!” sabat din ni Maggie.
“Okay lang! Hindi ko kayo pwedeng pabayaan, baka sabihin ng Itay n’yo hindi ko kayo inaasikaso!” Tugon ni Aling Eda, sige na. Magpahinga na kayo pagkatapos ninyong kainin ang lugaw!”
“Opo!” sabay na tugon ng dalawa.
Makalipas ang ilang sandali ay nakatapos na ng pagkain ang dalawa. Muling nagbalik sa higaan ang magkapatid. Binalot ng kumot ang mga katawan dahil pareho silang giniginaw.,
Gabi na ay patuloy pa rin ang pag-ulan ng mahina. Mag-aalas dose na ng gabi nang mawalan ng kuryente kung kaya nagdilim ang paligid sa kwarto ng magkapatid.. Nang pagkakataong ito ay waring tumaas pa ang lagnat ng dalawa kung kaya pareho silang lamig na lamig. Ganuon pa man ay malinaw pa rin ang isipan ni Ronel. Inalis niya ang nakatakip na kumot sa ulo.
“Maggie! Nasaan ba iyong posporo para sindihan ko ang gasera! Brown out, eh!” mahinang tanong ni Ronel sa kapatid.
“H-Hindi ko alam Kuya!” tugon ni Maggie, nanatiling nakatalukbong ng kumot.
“Ano ba ito! Kung kelan naman mayroon tayong lagnat ay saka pa nawalan ng kuryente!… Ginaw na ginaw pa naman ako!”‘ “Hanapin mo na lang Kuya! Hindi na talaga ako makakatayo dito! Ginaw na ginaw din ako!”
Akmang tatayo si Ronel nang maramdaman niya na mayroong nagbukas sa pintuan ng kwarto. Hindi niya maaninag kung sino iyon, basta ang alam niya ay babae iyon. Inisip nina Ronel at Maggie na iyon ang Tiya Eda nila.
“Tiyang! May dala ba kayong posporo! Kasi ang dilim, eh!” tanong ni Ronel.
“Huwag mo ng buksan ang ilaw Ronel! Wala ng posporo! Huwag kayong matakot sa dilim, babantayan ko naman kayo!” sabi ng babae.
“Salamat po!”
Hindi kumibo ang babae, bagkus ay tumayo ito at kinuha ang mas malaki at makapal na kumot saka inilagay sa magkapatid. Nakadama ng konting init ang dalawa. Kahit ma’ysakit ay hindi pa rin kaagad maipikit ng dalawa ang mga mata dahil hindi sila sanay sa dilim. Nangangamba sila na baka kapag tulog na sila ay iwanan na sila ng babaing nagbabantay sa kanila. Ang mga mata nila ay nanatiling nakatuon sa babae.
Iyon naman ang pagkakataong nagsalimbayan ang mga kulog at kidlat na bahagyang lumilikha ng liwanag na pumapasok sa loob ng kanilang kwarto. Dito naaninag ng magkapatid na ang babaing kasama nila sa kwarto ay hindi ang Tiya Eda nila kung hindi ang Lola Lydia nila na may limang taon ng patay. At ngayong maysakit sila ay dinalaw sila nito.
“L-Lola Lydia!” Gulat at natatakot na tawag ni Ronel.
“Huwag n’yo po kaming takutin! Huwag po!” sabi naman ni Maggie na napatayo na rin at nagtungo sa sulok ng kwarto.
Tumakbo rin kay Maggie si Ronel habang ang Lola Lydia nila ay nanatiling nakaupo sa upuang nasa isang bahagi ng kwartong iyon. Nakatingin lang sa magkapatid habang nagsasalimbayan ang mga kulog at kidlat.
“Tiya Eda! Lolo Johnny!” malakas na sigaw ni Maggie.
“Tiyang! Samahan mo kami dito…AAAAAH!” palahaw din ni Ronel.
Matapos ang malalakas na pagsigaw ng magkapatid ay itinakip nila sa kanilang mukha at katawan ang makapal na kumot upang hindi na nila makita pa ang Lola Lydia nila na nakaupo sa di kalayuan.
Ilang sandali pa ang lumipas ay nagulat sila nang alisin ni Aling Eda ang kumot na nakatakip sa kanila. Dala ni Aling Eda ang gasera at kasama nito si Lolo Jhonny.
‘Tiyang! Si Lola Lydia! Nandito siya kanina… dinalaw niya kami!” natatakot na sabi ni Maggie.
“Oo nga po Tiyang! Nakaupo siya kanina duon sa upuang iyon!” Itinuro ni Ronel ang upuang nasa di kalayuan.
“Hay! Naku dahil sa taas ng lagnat n’yo ay kung anu-ano ang nakikita at sinasabi n’yo. Matagal ng patay ang Inay, at ang isang patay ay hindi na muli pang babalik.” Sabi ni Aling Eda na hindi naniwala sa kanila.
“PeroTiyang…”
‘Tama na! Panaginip n’yo lang ang lahat! Huwag ninyong takutin ang inyong mga sarili!” Sabi naman ni Lolo Johnny.
Hindi na kumibo ang magkapatid dahil alam nila na kahit anong paliwanag ang kanilang gawin ay walang maniniwala sa kanila. Iisipin ng lahat na nagdedeliryo lamang sila o kaya ay nananaginip dahil mayroon silang sakit ng mga panahong iyon. Ngunit malinaw ang kanilang isipan. Nakita nila at nakasama sandali ang multo ng kanilang Lola Lydia na kahit nasa kabilang buhay na ay nagbalik pa para dalawin sila at bantayan. Patunay ang makapal na kumot na ibinalabal nito sa kanilang magkapatid para mapawi ang kanilang ginaw.
Ang pambihirang karanasan ay hindi makakalimutan kailanman ninuman. Gaya ng naranasan ng magkapatid na Maggie at Ronel nang gabing magkaroon sila ng karamdaman.
Ang isang gabi sa piling ni Lola Lydia!!!
Ang Wakas ! …
Mana
June 10th, 2009
Single by choice si Martha na sa kasalukuyang panahon, ay edad fifty five na. Ngunit hindi siya nag-iisa sa bahay. Kasama niyang namumuhay sa sariling bahay ang live-in partner na si Verna, edad beinte otso at isang lesbian.May limang taon na rin ang hantaran nilang relasyon. Ngunit hindi ito tanggap ng pamilya ni Martha. Dahilan kung bakit ninais niyang mangibang lugar sa halip na sa sinilangang lugar manirahan.
Sa Bulacan pinadpad ng kapa-laran ang magka-relasyon. Nagsimula silang mamuhay sa tulong ng itinayo nilang munting tindahan. Na kalaunan ay lumaki nang lumaki hanggang maging isang mini grocery.
Kasabay ng pagbabago ng kalagayan sa buhay nina Martha at Verna ang pagbabago rin ng ugali ng tomboy. Masyado itong naging demanding kay Martha. Masyadong naging malupit. To the point na kung minsa’y nasasaktan nito ang matanda sa sandaling hindi nito nakuha ang gusto. Ngunit kung naibigay naman ni Martha ang nais nito, lubhang nagiging mabait at malambing si Verna sa karelasyon.
Labis na ikinatuwa ni Verna ang balitang minsa’y sinabi rito ni Martha.
“Talaga? Naipangalan mo na sa akin ang mga ari-arian mo? Walang biro?” maluwang ang ngiting paniniyak pa ni Verna.
“Oo. Tulad ng pangako ko sa iyo.”
Mabilis na niyakap nang mahigpit ni Verna si Martha.
“Ang bait talaga ng mahal ko! Hayaan mo at hindi ka magsisisi sa naging desisyon mo. Palalaguin ko pa ang pamana mo sa ‘kin.”
“Yon ang inaasahan ko. Dahil matagal ko ding pinaghirapan ang malaking halagang naipon ko. Noong hindi pa kita nakikilala.. .ang piano ko ay ipamana iyon sa isang pamangkin ko. Kaso…”
“Sino? Si Ruby? Na itinakwil ka sa halip na intindihin ka sa gusto mo?”
Isa si Ruby sa kaanak ni Martha na tutol sa pakikipagrelasyon ni Martha kay Verna. Si Ruby na naging palaki rin minsan ni Martha.
“Wag na nga nating pag-usapan ‘yon.Sumasama lang lalo ang loob ko.”
“Oo tamaka. Basta safe sa ‘kin ‘yon. At.. .mahal na mahal kita…”
Saglit tinitigan ni Verna si Martha. Pagkuwa’y muli itong niyakap nang mahigpit. Walang kamalay-malay si Martha sa tunay na laman ng isipan noon ng karelasyon. Mabilis na noong tumatakbo ang utak ni Verna. Humahabi na ng mga hakbang sa isipan ang gahamang tomboy.
Tatlong araw makalipas ang pagtatapat ni Martha, natagpuan itong naliligo sa sariling dugo sa loob ng banyo. Tadtad ng saksak ang katawan ng matanda at wala ng buhay.
Tanging ang mga kapitbahay ang nakiramay kay Verna. Hindi ito nag-abala pang ipaalam sa mga kaanak ni Martha ang pagkamatay nito.
“Sino nga kayang walang puso ang may gawa niyon sa matanda?”
Umiling lang si Verna. Bakas ang lungkot sa mukha nito.
“Wala siyang kagalit.. .h-hindi ko rin alam. Sabi ng mga pulis.. .pagnanakaw daw ang motibo.”
“Pero bakit kailangan pa nilang patayin ng gano’n ang matanda?”
“A-Ako ang may kasalanan.. .kung umuwi lang sana ako ng gabing iyon…”
“Huwag mong sisihin ang sarili mo. Baka talagang hanggang doon na lang ang buhay ni Martha.”
Dalawang araw bago ang pagpaslang ay nagpaalam si Verna kay Martha na uuwi sa pamilya sa Pampanga. Maghahatid daw ito ng pera sa may sakit na magulang. Pinayagan naman ito ni Martha. Pagbalik nga ni Verna ay saka natuklasan ang pagpaslang sa karelasyon.
Iyon ang kuwentong isinalaysay ni Verna sa mga pumuntang pulis sa kanilang bahay.
Nang gabing iyon ay nagsidating ang mga kabataang miyembro ng choir sa kanilang parokya. Dalawang babae at tatlong lalaki na pagkatapos ng practice sa simbahan ay nagtuloy na roon upang makiramay. Si Martha ang nakakakilala sa mga ito dahil naging suki na nila sa tindahan.
“Buti wala pang gaanong tao,” sabi ng isa habang papasok ang lima.
Isang kapitbahay ang nagpatuloy sa kanila. Wala sa paligid si Verna nang mga sandaling iyon.
Sa mga nakahilerang silya malapit sa pinto ng bahay pumuwesto ang lima. Nagtabi-tabi ang tatlong lalaki na ka puna-puna ang waring pagkabalisa. Para bang init na init ang mga ito.
Dinulutan sila ng kukutin at inumin. Ang inumin ang agad kinuha ng tatlong lalaki. Kapuna-puna rin ang waring patagong tinginan nang makahulugan ng mga ito.
“Grabe’ng init!” komento ng isang lalaki. “Tara na kaya? Balik na lang tayo.”
“Guys ano ba kayo? Hindi pa nag-iinit ang puwit natin.. .nakakahiya ‘no?”
Nauna nang tumayo ang lalaki na agad sinundan ng dalawa pa.
“Mauuna na kaming tatlo kung ayaw n’yo pa. Ipagpaalam n’yo na lang kami ha.”
Walang nagawa ang dalawang babae nang walang lingon-likod na tumalilis na ang tatlong kaibigan. Ten minutes later ay nagpaalam na rin ang dalawa. Sa kanto na naabutan ng mga ito ang tatlong kaibigan.
“Ano ba’ng nangyari sa inyo ha? Usapan natin maglalamay tayo ngayon tapos bigla kayong umalis?”
“Kung alam n’yo lang….”
“AngAlin?”
“Kayo kaya ang makakita ng gano’n baka tumakbo pa kayo. Grabe! Para tuloy kaming sinilihan sa init kanina.”
Kunot-noong nagtinginan ang dalawang babae. Hindi pa rin nakakaunawa sa sinasabi ng tatlong kaibigan. Lingid sa kaalaman ng marami, may common denominator ang tatlong lalaki. Sila ay mga “seer” o may third eye.
“Hello? Puwede bang linawin n’yo ‘yang pinagsasabi…”
“Si Aling Martha… ‘andu’n sa may pinto nakatayo. Naliligo sa dugo at nakatarak pa sa dibdib ‘yung patalim. O, gets n’yo na?”
Nanlaki ang mga mata ng dalawang babae sa narinig. Nasa may gate pa lang ang tatlo ay nakita na nila iyon kung kaya bantulot silang tumuloy.
Sa bahay na kinabuburulan noon ni Martha, marami nang dumating na kapitbahay na makikiramay. Ngunit hindi mahagilap si Verna.
“Nasa n ba ng tomboy na ‘yon?”
“Pumasok sa kuwarto kanina pa.. .hanggang ngayon hindi pa lumalabas. Kinatok ko na kanina.. .ang sabi lalabas na daw siya.”
“Katukin mo ulit. Papadami na ang tao walang mag-eestima. Kailangan ko nang umuwi muna sa amin.”
Si Verna ay nasa loob nga ng kuwarto. Nakasiksik sa isang sulok at halos mangatog, hindi sa ginaw kundi sa takot. Ang nakita ng tatlong lalaking choir member ay nakita rin ni Verna.
Ang duguang live-in partner ay malinaw na nagpakita kay Verna. Si Verna na kay daling sinurot ng sariling kunsiyensiya. Dahil siya ang salarin!
Ang Waka!…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento