Haunted PocketBooks
Magbasa Ng Takutan Sa Haunted Pocketbooks For FREE
Anim Na Babala Sa Kwentong Multo
- Huwag mong basahin kung natatakot ka.
- Huwag mong kalimotan mag Dasal bago Babasa.
- Huwag mong basahin kung mahina ang puso mo.
- Huwag mong basahin kung malikot ang iyong imahinasyon.
- Huwag mong basahin kung wala kang kasama sa bahay!
- Huwag mong kalimutan mag pasalamat sa mga Kwentong nabasa mo!
Next Week Haunted Story - Boksingero
latest Haunted story - Karma
latest Haunted story - Karma
Preview ng Boksingero
Ano ang dahilan at hindi mapanatag ang kaluluwa ng isang BOKSINGERO?...NGIYAWRRR
April 26th, 2010
NAKAKAKILABOT ang itsura ng babae. Panay kalmot ng matutulis na kuko ang buong katawan. Puno ng sugat ang mga balat na kinagat nang matutulis na ngipin. At halatang sa pakikipaglaban para maprotektahan ang mukha mula sa mga umatakeng pusang gala ay halos maukit ang mga balat mula sa dalawang braso. Gayunman, sa huli ay hindi rin nito naipagtanggol ang sarili. Hindi halos makilala ang itsura ng babae.“Maryosep! Ano’ng kababalaghan ito!” anang isang magbabasura na unang nakakita sa pangyayari.
“Ang hirap paniwalaan na mga pusa ang gumawa!” ang sambit ng isang nanay na tinakpan pa ng kamay ang mata ng kargang anak
“Buntis pa naman !” ang bulalas ng isa pa.
“Kawawa!” Iyon ang nasambit ng lahat na nakasaksi sa biktima ng krimen.
“H-hindi kaya inatake ito ng… ng mga aswang?” ang hintakot na pakli ng isang babaing mahihihuhang nagdadalantao rin.
“Oo nga! Nag-iibang anyo ang mga aswang… nag-aanyo silang pusa o aso kaya!” takot na ring sambit ng isa.
“Pero hindi naman uka ang tiyan niya!” pakli ng isang lalaki na itinuro ang namimintog na tiyan ng babaing biktima. “Hindi kinain ang sanggol sa tiyan. Ibig sabihin ay hindi aswang ang dumale riyan.”
“Pero kung mga pusa lang… parang imposible. Parang isang batalyong pusa ang…” hindi na naituloy nang nagsasalita ang sasabihin.
Nakita nila nang gumalaw ang tiyan ng bangkay. Kumikiwal-kiwal ang nasa loob noon. Parang nagwawala na gustong lumabas.
“A-ano ‘yan!?” ang hintakot na halos sabay-sabay na sabi ng mga usyoso.
Sa pagkagimbal nila, nawarak ang iba’t ibang bahagi ng tiyan ng babae. May tila matutulis na mga kukong gumagawa ng daan palabas mula sa mapintog na tiyan. Sandali pa, kung saan-saang bahagi nang nabutas na tiyan lumabas ang maliliit na mga kuting. Mga mapuputi at magaganda ang itsura ng mga kuting ngunit mababangis ang itsura ng mga mata.
“Ngiyaaawrrr!” ang magkakapanabay na ngiyawan ng mga kuting na sinundan ng singasing, “Ngiiirrsssss!”
Isa-isang dinilaan ng mga pusa ang mga kapatid. Tinanggal ang lamad ng dugong nakabalot pa sa mga balahibo hanggang sa maging makinang na puti iyon. Makaraan ang ilang saglit ay tila mga sundalong pumaligid ang mga ito sa babae. Tiningnan ang patay na ina.
Napaurong ang mga usyoso nang biglang daluhungin ng mga ito ang duguang bangkay. Pagkatapos ay kinagat iyon, nginatngat habang ang mga matutulis na kuko ay dumidiin sa bawat bahagi ng katawan.
Maraming usyoso ang bumaligtad ang sikmura. May nagsuka. May nahilo. May hindi nakayanan ang senaryo at nagtakbuhan paalis. Pero kung may umalis, mas marami ang dumating.
Nang lumakad ang balita tungkol sa buntis na babaing natagpuan sa basurahan ay umakit na iyon ng kuryosidad. Ngayon, ang dagdag na kuwentong may sampung kuting na lumabas mula sa tiyan nito ay isang sensasyonal na balita.
Samantala, matapos mabusog ay tila mga sundalong muling humilera ang mga kuting. Nahiga ang mga ito sa tabi ng bangkay.
May mga pulis na dumating. May nag-report tungkol sa bangkay na nasa tambakan. Hindi pa alam ng mga ito ang tungkol sa mga kuting na galing sa tiyan ng bangkay.
Nahawi ang mga tao sa pagdating ng mga pulis. Dalawang alagad ng batas ang agad lumapit sa bangkay. Bagamat napansin nito ang mga kuting ay hindi iyon inalintana bagkus ay sa kahindik-hindik na anyo ng babae napokus ang kanilang tingin.
Suot ang isang glove ay akmang hihipuin ng isang pulis ang biktima nang sabay-sabay na magtayuan ang mga kuting. Sumingasing ang mga ito.
“Ngiirrrrrsss! Ngiiiirrrrsss!” sabay-sabay na singasing ng mga kuting.
Napaurong ang dalawang pulis. Napako naman ang pansin ng lahat sa mga kuting na ngayon ay nangakatayo ang mga balahibo. Nakalabas ang matutulis na mga pangil at tila handang umatake sa anumang saglit.
Isang pulis ang kinuha ang dala nitong batuta. Gagamitin nito iyon para mapaalis ang mga kuting sa tabi ng biktima.
Pero hindi inaasahan ng sinuman ang kasunod. Sabay-sabay na dinaluhong ng sampung kuting ang pulis. May kumapit sa bandang hita, sa bisig, sa paa, sa gawing tiyan, sa may dibdib. Nang makakapit sa damit ng pulis ang ilan ay inakyat ng mga iyon ang leeg nito, ang mukha. Sinakmal ng mga kuting ang napasigaw na alagad ng batas.
Nagwala ang pulis. Sa pagwawasiwas sa mga kuting ay nawala ito sa balanse at bumagsak sa lupa.
Alarmadong tinulungan ng mga kasama ang pulis. Pinilit nilang tanggalin ang mga kuting sa katawan ng lalaki na ngayon ay nabaligtad na at nakahiga na sa lupa. Pero kahit anong hila ang gawin nila, hindi nila matanggal ang mga kuting sa pagkakakapit sa katawan ng pulis. Lalong bumabaon ang kuko ng mga ito at lalong bumabalasik ang mga anyo.
“Ngiiirrssss! Ngiiiiirssss!” panay ang singasing ng mga kuting.
Sa pagkagimbal ng lahat, sabay-sabay na pinagkakagat ng mga kuting ang pulis.
“Aaaah!” sigaw ng lalaki.
Hindi malaman ng kasamahang mga pulis kung ano ang gagawin. May nagtangkang kunin ang mga ito sa pamamagitan ng mga kamay pero mabilis na itong kinalmot ng kuting na kukunin. May nagtangka na gamitan ito ng pamalo pero agad ding nalundag ito ng kuting na papaluin at mabilis na nasakmal sa kamay. Habang iwinawaksi ng pulis ang kuting ay lalong dumidiin ang kapit nito hanggang halos mawakwak ang kinapitang laman.
Napaurong ang mga usyoso. Ginapangan sila ng takot. Dahil sa sumunod na sandali, nagkanya-kanyang grupo ang sampung kuting at dinaluhong ang tatlo pang mga pulis.
Tuluyang nagpulasan ang mga tao nang makitang walang kalaban-laban ang mga alagad ng batas sa mga kuting. Natakot si lang balingan ng mga ito.
“Halimaw ang mga kuting! Halimaw!”sigaw ng isang babaing naghisterya sa takot.
ISA pang mobile car ang dumating sa tambakan. Lulan ng mga ito ang panibagong grupo ng mga pulis na inalarma dahil sa nangyari sa mga kasamahan.
Nanghilakbot ang mga dumating nang makita ang apat na mga kasama. Patay na ang mga ito. Wasak ang mga mukha. Gula-gulanit ang mga damit na sinira ng matutulis na mga kuko. Ukit ang mga laman mula sa kalmot at kagat ng mga pangil. Tinuyo ng mainit na araw ang mga dugo na nang sariwa pa ang mga sugat ay tila mga gripong dumadaloy sa mga naukit na laman.
Malinis na malinis ang paligid. Walang mga tao at lalong walang mga kuting na sa nakaraang sandali ay nagsabog ng lagim.
Dahil sa nangyari, pinagkatakutan ang mga kuting. Bawat kulay puting kuting ay pinapatay ng mga tao sa lugar na iyon at sa mga karatig-pook na narating ng balita.
“AAAAAHHH!” Ang kalaliman ng gabi ay pinukaw ng malakas at nanghihilakbot na sigaw ng isang lalaki.
“Tulungan n’yo akoooo!” hingi nito ng saklolo.
Pero bago pa nakarating ang saklolo sa lalaki, nadumog na ito ng mga pusa. Mga puti at naglalakihang mga pusa. Napakalalaki ng pangil ng mga ito. Malalaki ang matutulis na mga kuko. Parang kayhirap paniwalaang sa iilang araw ay nagsilaki ng gayon ang mga kuting. Mas mababangis ang mga ito ngayon. Mas walang patawad. Mas malakas kumain. Dahil nang gabing iyon ay hindi isa lang, pitong mga bangkay ang naiwang biktima ng mga ito.
Isang malawakang alarma ang pinakalat. Ginamit ng awtoridad maging ang mga radyo at mga telebisyon para mapag-ingat ang mga mamamayan.
Walang nagawa ang alarma. Nang araw na lumabas iyon ay isang pamilya ang inatake ng mga pusa. Hindi pinatawad ng mga ito maging ang bagong silang na sanggol.
“Ang nakakatakot ay parang palaki sila nang palaki!” anang isang tatay na nagpapagupit sa isang barbero.
“Walang ligtas na lugar. Hangga’t hindi napapatay ang mga pusang iyon ay nasapanganib tayong lahat!” ang sambit ng isang parukyano na ginugupitan rin ng buhok.
“Kailangang gumawa ng aksyon ang awtoridad! Hindi maaaring ganito na lang. Paano kung bigla na lang lumitaw ang mga iyon? Ni hindi natin alam kung ano ang panlaban sa kanila!” anang barbero.
Wari namang alam ng mga pusa na pinaghahanap sila, tila may mga isip na nagsipagtago ang mga ito. Hiwa-hiwalay na sila ngayon. Kanya-kanyang lakad. Kaya ang mga biktima nila ay kung saan-saang lugar din natatagpuan.
Killer cats strike again!
Iyon ang headline ng mga diyaryo sa sumunod na mga araw. Ang istorya tungkol sa muli at muling pambibiktima ng mga ito ay laman ng mga balita.
SA isang tagong laboratoryo, isang siyentipiko ang masusing nag-aaral satinutuklas na pormula. Pangontra iyon sa isang pormula rin.
Ang unang pormula ay nagamit na niya sa isang eksperimento. Isang babaing nakatira sa lansangan ang inampon niya para gamitin sa eksperimentong iyon. Iningiksyunan niya ito ng unang pormula. Gusto niyang malaman kung maaaring mabuhay sa sinapupunan ng tao ang semilya ng isang pusa. Gusto niyang kilalanin bilang pinakamahusay na siyentipiko at iyon ang naisip niyang daan para tumanyag. Ngunit bago pa niya matuklasan kung nagtagumpay ang eksperimento, nakatakas sa poder niya ang babae.
Nakarating na sa siyentipiko ang balita tungkol sa mga kuting na inianak ng isang buntis na babae sa tambakan. Ang pagkamatay nito. Ang pagkain at pag-atake ng mga kuting sa babae at sa mga pulis na unang dumating sa eksena. At ang mga sumunod pang pambibiktima ng mga kuting na ayon sa balita ay naglalakihang mga pusa na ngayon.
Bagamat hindi tiyak ng siyentipiko kung makukuha niya ang mga pusa, hindi siya tumigil sa pagtuklas ng pormula para mapigil ang mga ito sapamiminsala.
Nasa kalagitnaan ng pagsasalin ng likido sa vial ang siyentipiko nang makarinig ng mga kaluskos. Galing iyon sa labas ng pinto ng laboratoryo. Alam niyang hindi iyon manggagaling sa katiwala. Isa sa mga utos niya na huwag gambalain kapag nasa loob ng laboratoryo. Pero papapalakas ang mga kaluskos. Alam na niya ngayon na hindi gawa ng tao iyon. Ang mga kaluskos ay tila kutkot ng mga matutulis na kuko.
Sandali pa, ang nakangingilong kutkot ng matutulis na mga kuko ay tila yerong pumapasok sa kaloob-looban ng tenga ng siyentipiko. Parang hinihiwa noon ang bawat himaymay ng utak niya hanggang sa pakiramdam niya ay bubulwak na ang dugo mula roon. Nang hindi makatagal ay binuksan niya ang pinto.
Dumaluhong ang naglalakihang mga pusa. Kanya-kanyang kagat ang mga ito sa siyentipiko na agad bumulagta. Hindi nila iniwan ang matanda hangga’t mayroon pa itong hininga.
Pagkatapos, tila mga sundalong humilera ang mga ito at waring nagmamartsang lumabas ng laboratoryo. Kung titingnan sa malapit ay parang may ngiti ang mga ito sa kanilang mga labi…
Wakas
32 Comments to “NGIYAWRRR”
mj Says:
nakakatakot pero bitin ang kwento..
casz Says:
bitin
blackrose_02 :) Says:
huh.? anu yun? anu yun?
ang gulo.! wala man lang bang
mas magandang ending. boring naman.!!
joey Says:
ganda sana kaya lang bitin..
jahn elven Says:
wierd ng kwento d nkakatkot…
jj Says:
NAMPUSA! tanga yung mga pulis! ano gamit ng mga baril nun?
rachel Says:
ay!nka2bitin..sna my karugt0ng pa..
=) mganda nman..
ritchie Says:
wattttt???????…..un lng????kakainiz nman! bitin sa lahat ng bitin!…ndi p nga napatay ung mga pusa tpos n kgad?…anu b yan! panu kong mkrating d2 s’min???hahaha!..jok lng….
pearly shell.. Says:
bitin naman…
laski_ Says:
bitin!….. yun lang!
kolokoY Says:
ANG korney gawa gawa lng haha JOLOGS
bebe Says:
sagwa bitin..
Aisa Says:
,,dpat pnatay ung mga pusa sa kwento,,pwde ba ako namagsulat ng part 2 nito!!! Ang pamagat ,”mga pusakal” heheheh,,
ops.. Says:
hay nakuh! walng kwenta ang kwento nyo!!
ano ang nangyari sa mga pusa?? tinapos niyo ang kwento ng walng maintindihan !! i think your not really good writer ,.. sorry to say that .. pano ba naman kc ung kwen2 moh hindi maintindihan ,, ano un?? hindi napatay ung mga pusa?? pwede ba sa su2nod ipaintindi niyo ang istorya na sinusulat nyo .. hindi ung nagsusulat kayo ng hindi nman nmen maintindihan .. please ..
joy Says:
yun lang ? hindi npatay ung mga pusa !!! so hndi na mtatapos ang ptayan sa knilang lugar !!! ano 2 ? joke ?
wildcard Says:
ok naman.. maganda nkakatakot…sana my karugtong..
Karen Says:
bitin, pangit.
lady_joy18_... Says:
anu ba yan? btin. ,,,,,,,,,
augst 22th 2011;4 pm Says:
maganda ang kwento nakaatakot talaga
kaso bitin eh….. hindisiguro natapos
ang pag gawa ng kwento …………
Mac Says:
Wlang kwenta, tngina nyo mga gago kyo, wlang hiya, kupal, kantot….
sparta Says:
Aso lang ktpat nyan
tripz Says:
Pasensya na sa inyo ha. . .pero mga bobo b kau o sadyang tanga lang. .masugid nyu p nmn aqng mamba2sa kso ung mga storya nyo d malinaw ang gulo. . .sna mkagawa kau ng mgnda. Wg nlng kaung gumawa qng wla dng kwenta. . .tsk3 p0ta
tripz Says:
Saka kala ko b every week nagla2bas kau ng bgong storya. .eh isang bwan n yata d nyu p dn nire2lease ung musika ng lagim. .bobo mga admin d2. .
mr jenave Says:
kakabitin kala ko naman ay mapapatay ang pusa
bebe junior Says:
ANG BOBO MO NMN SAKSAKAN KA NG T@NGA….BVOBOBOBOBOBO..MAG ISIP KA NG AUS HA….POTA KA
Budz Says:
Mga wlang utak gmgwa ng kwento d2, mga b0b0, mgsulat nlng kyo ng pampatigas ms mganda pa hehehe
Kira Says:
D q alam kung tanga o pinanganak na bobo to c budz e.. Kung gus2 m ng porn sa porn site ka maghanap tanga bobo inutil!!! Wat da fak
Ryuk Says:
Oo nga nman. Eto budz tribute q na sayo. Youporn, youjizz, redtube, spankwire. Cguro nman ok na yan. Bopols
youdi3 Says:
pokpok kz nanay ni budz kya ganyan zia utak bulati para lng siang tanga na nandto hehe
ang o,a ng storya nto parang pilikulang pito pito na weirdo .
aNg Corny pa . Pusa na nakaalarma sa vansa haha kakatawa ung writer nto xDDD
youdi3 Says:
dpt dinagdag narin nia na lumavan ang sandatahang militar ng vansa lavan sa mga pusa haha ang o,a ng story nto
julogs masiadog
nerbiyoso Says:
hoy mga tanga mgkoment,wg n kau mgk0ment kung wla dn kwenta cnsav nyo,ang uulaga nyo.mga gago,stupido,bobo.tangina nyo.punyeta
Atasha Says:
Ang pangit ng ending at saka bitin:-(