Haunted PocketBooks
Magbasa Ng Takutan Sa Haunted Pocketbooks For FREE
- Huwag mong basahin kung natatakot ka.
- Huwag mong kalimotan mag Dasal bago Babasa.
- Huwag mong basahin kung mahina ang puso mo.
- Huwag mong basahin kung malikot ang iyong imahinasyon.
- Huwag mong basahin kung wala kang kasama sa bahay!
- Huwag mong kalimutan mag pasalamat sa mga Kwentong nabasa mo!
Next Week Haunted Story - Boksinger
latest Haunted story - Karma
latest Haunted story - Karma
Preview ng Boksingero
Ano ang dahilan at hindi mapanatag ang kaluluwa ng isang BOKSINGERO?...Ulilang Puntod
October 22nd, 2010
Maliwanag ang buwan, at mula sa aking kinaroroonan ay nakita ko iyon… isang figure nasaumpisa ay parang isang hayop na nakaluhod…Last year, napadayo kami sa isang malayong bayan sa Marinduque. Inanyayahan kasi kami ng isang balikbayan friend.
Bale apat kaming sumama noon, dalawang babae at dalawang lalaki…
Pagdating doon, natuklasan naming pulos palaban pala ang mga tao sa kanilang village. As in… palaban talaga. Sa inuman.
At ang nakatutuwa pa, pinagsama-sama sa isang harapan ang mga babae’t lalaki. Kanya-kanya ng basong tagayan.
Nang nagkaka-sayahan na, kanya-kanya ng bidahan sa kuwentuhan. Kami naman siyempre, tahimik lang. Mga bisita lang kasi kami.
Medyo natahimik ang harapan ng isang medyo may edad ng lalaki ang nagsimulang magbida.
Tinanong niya kami kung ano raw ba ang masasabi namin sa kanilang lugar. “Maganda, masaya,” sagot naman namin.
“Ipinagmamalaki talaga namin iyan!” sagot naman ng lalaki.
“Pero hindi lahat dito pulos saya!” muli niyang sabi at hamumungay ang mga matang tumingin sa amin. Medyo tumatalab na ang kanyang nainom.
“Bakit ho naman n’yo nasabi ‘yan?” tanong ko.
“Nakuu… dito sa baryo namin may mga nagaganap na malungkot. Malungkot talaga!” at umiling-iling pa ito.
“Hoy Enteng! Magbibida ka na naman.. .bukas na lang ‘yan, tumagay ka na muna!” hagalpakan naman ng tawa ang ilang kaharap na kababaryo ng lalaki.
Sandaling tumigil ang lalaki. Kinuha ang bote ng long neck at sandaling nagsalin ng tagay sa kanyang baso. Isang babae naman ang bumulong sa isa naming kasama. Katabi lang ako at narinig ko ang kanyang sinabi.
“Mahilig kasing magbida iyang si Enteng… napakaraming kuwento niyan!” sabi ng babae.
“Aba… mas mabuti ho iyon. Mas enjoy!” sagot naman ni Edna na kasama namin.
“Kaso nga…ang mga kuwento niyan…may totoo, may hindi.. .meron pang kuwentong lasing!” at narinig kong nagtawanan uli ang mga kababaryo nila.
Pero kahit nagtatawanan, natigil muli ang lahat ng muling magsalita si Enteng. Kakaiba ang kanyang karisma kapag nagsasalita. Parang mahihikayat kang makinig.
“Excuse me… nakapasyal na ba kayo sa buong baryo?” tanong nito, na ang tinutukoy ay kaming mga bisita.
“Kalahati pa lang ng baryo ang naiikot nila, naubos na ang oras kahapon!” si Mariz ang sumagot, ang kaibigan naming taga-roon.
“Hindi mo pa sila naipapasyal sa Dulong Burol, ano?”
“Hindi pa. Next time. Bago sila bumalik,” sagot ni Mariz. Muling bumaling sa amin si Enteng.
“Makinig kayo. May ikukuwento ako senyo. Ito iyong sinasabi kong malungkot.” Napansin kong parang nagkatinginan ang mga kaharap namin. Para ba’ng gusto nilang pigilin si Enteng sa pagkukuwento. Pero lahat kaming mga bisita, nakatingin at nakikinig lahat kay Enteng. Kaya siguro tumahimik na lang sila.
Ayon kay Enteng, sa lugar na tinatawag na Dulong Burol ay may isang ulilang puntod. Puntod ng isang walong taong gulang na batang babae. Luisa ang kanyang pangalan.
Mga maliliit na bata pa lamang daw silang lahat ng mangyari ang trahedya sa buhay ni Luisa at sa pamilya nito. Trahedyang hanggang ngayon ay nakikita pa… at nararamdaman pa, ng kanyang mga kababaryo.
Doon sa lugar na iyon dati nakatayo ang kubo ng mag-anak nina Luisa. Miguel ang pangalan ng ama niya at Lolita naman ang ina. May isang kapatid si Luisa, si Manuel, na siyang bunso. Madalas maglaro sa loob ng kagubatan ang magkapatid.
Dumating ang isang pangyayaring hindi inaasahan ng pamilya. Umuwi ang magkapatid isang hapon na matamlay si Luisa. Ayon daw sa batang babae ay masama ang kanyang pakiramdam at para siyang nanghihina. Nahiga raw ito sa papag at nakatulog, Mahimbing ang naging tulog ng bata at komo alam na masama ang pakiram nito, pinabayaan na lang nila ito sa mahimbing na pagtulog.
Pero ng ginigising na nila ito kinabukasan ay ayaw nitong magising. Kahit anong yugyog at tampal ang gawin ng mag-anak ay hindi magising ang bata. Wala pa raw kahit klinika noon sa kanilang lugar,at isang manggagamot lamang ang pinupun’tahan ng mga tao kapag nagkakasakit ang mga ito. Ito ang albularyong si mang Genaro. Ayon raw sa albularyo, nakatuwaan ng engkanto ang batang babae. Gustong isama ng mga ito ang bata sa kanilang kaharian.
Noon din ay gumawa ng seremonyas si mang Genaro. Pagkalipas ng ilang oras ay sinabi nitong may nagawa raw pala si Luisa na ikinagalit ng engkanto. Makapangyarihan daw ang engkanto. Maghintay raw sila kung magpapasya ang engkanto na patawarin si Luisa.
Sabihin pa ay gano’n na lang ang pagkabahala ng mga magulang ng bata. Tinanong nila ang bunsong kapatid nito kung saan nanggaling ang mga ito at kung ano ang ginawa ng kanyang ate pero wala namang masabi ang batang lalaki. Basta naglalaro lang daw sila sa gubat. Patuloy na gumawa ng seremonyas ang albularyo, pero lumipas ang tatlong araw at tatlong gabi ay hindi pa rin gumigising si Luisa.
Nang ika-apat na araw ay napansin nilang parang humihina na ang tibok ng puso ng bata. Parang kinakapos na rin ito sa paghinga. Umiiling-iling na si mang Genaro. Ayon dito, ayaw patawarin ng engkanto ang bata. Naghisterikal na ang ina nitong si aling Lolita.
“Sabihin mo sa kanya, ‘wag niyang kukunin ang anak ko! Maawa siyaa!” Umiiyak na sabi nito.
Sa puntong ito saglit na naputol ang kuwento ni Enteng dahil lumapit si Mariz. May ibinulong sa dalawang babaeng taga-roon na kaumpukan namin. Tumayo ang mga ito at magalang na sinabing tutulong lang muna sila sa pagluluto at dumating na ang karne ng pinatay na baboy. Medyo nahihiya naman sigurong maiwan sa umpukan at hindi tumulong ang dalawang lalaking taga-roon din, kaya sabay na tumayo rin ang mga ito. Nang ituloy ni Enteng ang kuwento ni Luisa, kami na lang na mga bisita ang kaharap ni Enteng.
Ikalimang araw ay hindi na raw humihinga si Luisa. Patay na ito. Halos mabaliw ang ina nito. Hindi pinatawad ng engkanto ang bata.
Noong mga panahong iyon, hindi talaga uso ang embalsamo. Wala kasing serbisyo ng punerarya sa kanilang lugar. Ang kabaong ay tulong-tulong na ginagawa sa gabi dahil kinabukasan din ay kailangang mailibing na ang namatay upang ‘di mangamoy.
At sa ika-anim na araw nga ay inilibing na rin si Luisa. Inilibing ang kanyang labi sa lumang sementeryo matapos basbasan ng pari na sinundo pa sa bayan.
Ganoon na lang ang pagdadalamhati ng naiwang pamilya ng bata. Dati-rati ay napakasaya ng mag-anak kahit hindi masagana ang buhay nila. Parehong mabait ang mag-asawa pati ang dalawang anak nila. At si Luisa ay isang masunuring anak. Malambing din ito sa mga magulang. Kaya hindi halos sila makapaniwala na meron itong nagawa na ikinagalit ng sinasabing engkanto.
Pero ika-walong araw ay nagulantang ang mag-anak ng biglang sumulpot uli si mang Genaro at sinabi nitong sigurado siyang buhay si Luisa! Nakausap raw nitong muli ang engkantong nagalit sa bata at sinabi raw nito na pinatawad na niya ang bata. Noong ika-anim na araw pa raw pinatawid na niya sa hangganan ang espiritu ng bata. Ibig sabihin, nakabalik na ang kaluluwa nito sa kanyang katawang-lupa!
Tumakbo raw ang mga magulang nito sa kanyang libingan. Dali-daling hinukay ang puntod na katatabon lamang. Pero huli na. Nanghilakbot sila dahil sa nakitang ayos ng bangkay Nakatirik ang mga mata, nakabuka ang bibig na parang kinapos ng paghinga. At sa dalawang palad nito ay maraming hibla ng sariling buhok. May mga salubsob din ang mga kuko nito sa mga daliri at may natuyong dugo ang mga ito, Tanda ng pagkalmot nito sa takip ng kabaong, na sadyang ‘di nito mabubuksan dahil nakapako.
Nang muling makabalik ang espiritu ng bata sa katawan nito at muling magkamalay ay huli na ng matuklasan nitong nasa loob siya ng ataul at nakalibing siya sa ilalim ng lupa. Sobrang agony siguro ang naranasan nito bago tuluyang namatay.
Sobra ang muling paghihinagpis ng pamilya nito. Hindi malaman kung sino ang sisisihin. Sinisisi raw ni aling Lolita ang asawa nito kung bakit nagdesisyong ipalibing agad ang bata. At ang albularyo naman ang sinisisi ni mang Miguel. Bakit daw sinabi nitong ayaw patawarin ng engkanto ang anak at patay na ito? May pag-asa pa naman palang mabuhay uli ito. Kung sana’y naghintay muna sila bago inilibing si Luisa!
At iyon na ang Simula ng tuluyang pagkawasak ng pamilya ni Luisa. Nuong mahukay muli si Luisa, doon na ito inilibing sa malapit sa kanilang kubo sa Dulong Burol. At noon din napansin ng mga tao sa baryo ang laging pagkatulala ni aling Lolita. Palagi ito sa puntod ng anak. Pati ang bunsong anak nitong si Manuel ay halos napabayaan na nito. Si mang Miguel naman ay laging naglalasing. Noon daw minsang malasing ito ay tinangka pang tagain si mang Genaro, ang albularyo.
Pero ang hangganan ng lahat ay isang gabi na wala si mang Miguel sa kanilang bahay. May nakakita raw dito na lasing na lasing at nakatulog na sa tumpok ng dayami malapit sa burol. Magha-hatinggabi ng makarinig ng mga palahaw ang mga tao malapit sa Dulong Burol. At mula sa ibaba ng burol ay kitang-kita nila na nasusunog ang kubo nina aling Lolita. naririnig pa ng mga ito ang paghiyaw ng mag-inang nakulong na ng apoy.
Natupok ang kubo kasama si aling Lolita at Manuel. Ang naging konklusyon ng mga taga-roon ay malamang na natabig ni aling Lolita ang ilawan na naging sanhi ng apoy. Simula kasi ng mamatay si Luisa ay laging tulala ito at umiiyak.
Dahil sa isa pang trahedyang iyon, tuluyan ng bumigay ang katinuan ni mang Miguel. Naging taong grasa ito. Tumatawa habang umiiyak. Pagala-gala. Ang mga kababaryo naman na nakakaalam ng kuwento ng buhay nito ay nagtulong-tulong na bigyan ito ng pagkain at inumin.
Napabayaan na rin ang ulilang puntod ni Luisa. May ilang mga kaibigan si aling Lolita na nagmalasakit asikasuhin ang puntod. Pero sa paglipas ng panahon. nangawala na ang mga kaibigang iyon at mabuti na lang at hanggang ngayon ay may mangilan-ngilang nakakaisip maglinis doon at mag-alay ng bulaklak kapag undas.
Pero hindi pa doon nagtatapos ang kuwento. ayon kay Enteng. Kapag maliwanag ang buwan ay nakikita ang kaluluwa ng batang si Luisa sa tabi ng kanyang puntod. Hindi siguro matanggap ng bata ang nangyari sa kanyang pamilya, na ang puno’t dulo ay siya.
Habang nagkukuwento si Enteng ay tumatagay ito, kaya ng matapos ang kuwento ay parang lasing na talaga ito. Nang tumayo ito para jumingle ay kanya-kanya kami ng opinyon.
“Naniniwala ako sa kuwento niya. tungkol sa nangyari sa pamilya ni Luisa!” sabi ni Larry. “Pero iyong huli niyang sinabi duda ko ‘di totoo iyon!”
“Alin. iyong sinabi niyang nagmumulto si Luisa?” tanong ko.
“Ano pa? Kita n’yo naman, senglot na siya. ‘di ba? Meron pa siyang sinasabing kapag maliwanag ang buwan… hahaha! Ano iyon, may pinipili ba’ng gabi ang multo?”
Nagkatawanan na lang kami. Pero lahat kami aminadong malungkot talaga ang nangyari sa kanila. At hindi rin maalis sa isip ko ang tungkol dun sa nagising si Luisa na nasa loob siya ng ataul sa ilalim ng lupa! Nakapangingilabot!
Kinabukasan, ipinasyal muli kami ni Mariz at itinuro niya ang ulilang puntod. Nasa itaas ito ng burol at natatanaw mula sa main highway. Matagal na raw siyang wala sa kanilang lugar kaya hindi masabi ni Mariz kung totoo ngang nakikita roon ang multo ni Luisa kapag mga gabing maliwanag ang buwan.
Kinabukasan ng gabi kami masayang umalis sa baryo nina Mariz. Sakay ng kanyang van, masaya pa kaming nagkukuwentuhan habang tumatakbo ito. Napatingin ako sa dinaraanan at naalala kong matatanaw nga pala ang burol mula sa aming kinaroroonan. At hindi nga nagtagal ay nakita ko na ang burol kung saan naroon ang ulilang puntod ni Luisa.
Hindi kabilisan ang aming takbo at noon ko iyon nakita… maliwanag ang buwan, at mula sa aking kinaroroonan ay nakita ko iyon… isang figure nasaumpisa ay parang isang hayop na nakaluhod. Pero ng titigan ko iyon ay kitang-kita ko ang isang batang babae, malungkot na nakatingin sa kawalan. Balak ko iyong ituro sa katabi ko pero nawala na iyon sa aking paningin dahil lumampas na ang aming sasakyan.
Wakas
34 Comments to “Ulilang Puntod”
Wens & Lyn Says:
nice story… so rural but scary!
Shanie rose Says:
bitin nman parang di pa tapos ;-{
Shanie Rose Says:
Di nman gaanong maganda
marie1986 Says:
nakakalungkot talaga ang kwento ng ulilang puntod!pero ang ganda ng storya,nakakaiyak!
Rheiz Says:
medyo bitin nga peo mganda nman…
nka2lungkot tlagah ung nagyari ky luisa.
EkZ123 Says:
Anu kaya ginawa ni luisa para magalit yung engkanto?
D man lng binangit. tsk
Trish Says:
katulad ng urban story na bloody mary…
pinky Says:
naantig aq sa story,.,..,
nakakalungkot tlga nangyari sa family ni luisa!!
jessssssss!!!! Says:
ovvverrr… ka c bkit nila alam na buhay pa c Luisa sa baul??? pro gnda story..it so nice tlaga…..
jocelyn Says:
magan da ang kwento parang maiiyak ako kapag nabasa ko itong kwentong ito dahil naawa ako sanang yari kay luisa dahil sa ingkantong nag kainteris sa kan ya dahil sa ayaw nyang sumamadito at sa nang yari sa kan yang pamilya na nawalan nanang pag-asa dahil sa kanyang pagkamatay ?
Di NatakOt Says:
Ganda pero d naman katakOt. .!
coolhet Says:
ganda naman..
coolhet Says:
nice one
ritchie Says:
nakakalungkot nman ung ngyari s pmilya ni luisa…..grabeh!….
marga Says:
to shanie rose: ang OA Mo talaga ano ngaun kung bitin?!!!!???1
rachelle Says:
sad story…..nakakaiyak very touching….kawawa nman pla yan story ni luisa….huhuhuhu
mikas Says:
nkakalungkot na hndi mgnda ung story
_jhosa_ Says:
@ EkZ123 Says: Ayaw nga sumama ni luisa kea nagalit ang engkanto…
ano ba magbasa k kea.. piz..
shadow Says:
nice na story pro nakakalungkot…pero nakakalungkot…hindi nman natin alam kung kailan tayo kunin nang nag pahiram nang buhay sa atin….
kingbryanbautista@yahoo.com Says:
nice one boring heheheheh joke
kingbryanbautista@yahoo.com Says:
ganda sana kaya lang story e ung true naman
Budz Says:
Sbhin n nman ni che pasted ang kwento na e2, mkakatikim n sken ng kantot aso yan. Cgurdo mkakalimutan nya un salitang pasted hehe
kaiser24 Says:
….kakalungkot namn…
mhean Says:
ohhh!! kakalungkot nmn ung nang yari kay louiza
ashleyo06 Says:
, anq cte nam kwento .. !
pero paranq kulanq .. soya lanq eun .. atLis maganda..
Yssa Says:
Aw ang sad maala2 mu kea ang ending!
syrex25 Says:
grabe aman yun…!!!
Budz Says:
Panget storya, mgnda pa mgbasa ng pmpa tigas hehehe, wla kwenta storya un lng
lara Says:
galing …… more post pa….
Jogs Says:
ganda nga ng story eh………
mailedi Says:
its kinda spooky..
youdi3 Says:
un tlga nkakatakot pag nagising ka nasa luov ka ng kavaong .
aNu kaya ggwn nio qng zakaling sa inio nangyari un .
grace Says:
how sad
secret blogger Says:
nakakatakot salamat sainyo sana patuloy pakayong guumawa nang mga kwentong katulad nito